CHAPTER 9

8 2 0
                                    

Solene's POV

''Psst!'' nagsusulat ang Professora namin sa harap ng may kumalabit sakin.

''May gagawin ka mamaya?'' bulong ni April.

''Meron''

''Awitt naman, papasama sana ako sa mall''

''Mag aya ka ng iba.''

''May bibilin kase ako, nakita ko yon sa internet kagabi e dagdag collection!''

''Shut it.'' singhal ko sa kanya, alam kona ang ipipunta nya sa mall may nakita nanaman yang BTS merchandise. Napakaadik nyan sa BTS na korean boyband kaya hindi nako mag tatanong kung ano yon magdadal-dal lang tong isang to.

''Che! sungit nito!''

''Oy mga bakla! may gagawin kayo mamaya?'' tanong nya kila J.C malamang

''Wala! bakit? papasama ka? G ako jan!''

''Di ka halatang chismoso no? lakas ng pandinig mo ah?''

''Gaga ka e sa bunganga mong yan maririnig ko talaga nasa likod nyo lang kami, hindi nako magugulat kung narinig din yan ng nasa likod namin! che!'' bulong ni J.C

''Shhh...mamaya nyo na yan pagtapos ng klase!'' rinig kong pagsaway ni kassy.

*****

Pagkatapos ng klase ay agad na akong nagpaalam sa kanila at pumunta sa café na napag usapan namin ni Marion. Nang makarating ay nakita kong nag aantay na sya sakin sa labas. Tsk ang init-init bakit di na lang sya sa loob mag antay.

''Tara''

''Ahh siguro mag order muna tayo no?''

''Sige''

Pagpasok ay dumeretso na kami sa counter at umorder gaya ng suggest nya buti na lang at natanong nya dahil kailangan ko din ng matamis para kahit papaano ay aktibo ang utak ko.

''May I take your order ma'am...sir?

''Ano sayo?'' tanong ng katabi ko sakin.

''Peanut butter sheet cake, triple chocolate ombre cake and lemonade'' imbis na sagutin ay tumingin ako sa taong nasa counter at umorder na.

''Slices or whole cake ma'am?''

''Whole cake''

''Ahh my o--''

''Don't you like what I ordered?'' pag putol ko sa balak ng pag order.

''Ah ano orange juice na lang miss...kala ko kase sayo lang yon''

sagot niya sakin pagkatapos niyang sabihin ang gusto nyang inumin. Kala nya ba kaya kong ubusin lahat yan? Mas okay ng buo ang bilhin ko dahil kakailanganin ko ng matatamis at alam kong pwede ko din namang iuwi ang matitira.

''Ayun na po ba lahat sir?'' tanong ng babae sa kanya kaya nung tumingin sya sakin para antayin kung may oorderin pako kaya tinignan ko lang sya at d na nagsalita.

''Yess miss that's all''

''Okay sir, the food cost 2,300''

''Miss pa prepare na lang po yung VIP room'' ngiti nyang pagbaling sa babae ng hindi ko sya sagutin.

''Okay sir, we will just deliver your order to your room. Jeffrey, please guide them to the VIP room on the 3rd floor.''

Pagpasok ay dumeretso na agad ako sa lamesa at at inilabas na ang mga gamit na kakailanganin namin gamitin. Nang mailagay ang mga kailangan ay sandali kong tiningnan ang kwarto, maluwag naman maganda din mga ang interior.

Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now