Chapter 9 - "Promises"

235 7 1
                                    

CHAPTER 9 – “Promises”

Si Rann ay tumatakbo mula sa mga zombies na humahabol sa kanya.

*Rann’s POV*

(Habang patakbo ako , bigla akong nakakita ng isang burger truck . Kailangan kong makapasok doon dahil napakarami nang zombies sa paligid ko , kailangan ko muna silang hintaying mawala.)

(Swerte ko dahil bukas ang likuran ng truck kaya agad akong pumasok at sinarado ang pintuan. Pinagpupukpok ng mga zombies halos yung buong truck dahil masyadong nagkaroon ng ingay yung pagsara ko ng pintuan.)

(Habang unti unti nang kumokonti ang tsansa ko na mabuhay , naghanap ako ng mga kutsilyo dahil alam ko meron dito sa truck na to . Hanap.. Hanap.. Hanap…. Shit! Wala akong makita , nasimot na ata itong truck na to!)

(Maya maya bigla nalang akong nakarinig ng nabasag na bintana galing sa harap ng truck .. Mukang ito na kinakatakutan ko.. Pumasok na ang isang zombie sa loob ng truck tapos may sumunod na isa at palapit na sila saakin ng palapit..)

(Wala na kong magagawa kaya napapikit nalang ako . Kukuhanin na sana ng zombie ang kamay ko kaso bigla akong may narinig ng putok ng baril at biglang nabuksan ang likuran ng pintuan . Hindi ko agad nakita ang tumulong saakin pero nung nakita ko na , nagulat ako..)

Rann: C..Christian? Ikaw ba yan?

Christian: Ate! (Niyakap)

Rann: (Naluha) Paano mo ko nahanap?

Christian: Mahahanap at mahahanap natin lahat basta maniniwala lang tayo na mahahanap natin yung tao na yun ate..

Rann: (Niyakap ulit) Salamat Christian nahanap moko .

Christian: Oh tama na ate tara na bumalik na tayo sa Cinemalaya.

(Hihilain na sana ako ni Christian kaso-)

Rann: Hindi..

Christian: Ha? Anong hindi..?

Rann: Hindi ako makakasama..

Christian: Bakit..?

Rann: …… (Inalis ang nakaharang sa may braso at nakita ang isang maliit na kagat na galing sa isang zombie)

Christian: Ate.. (Naluha) Pero nahanap kita diba…?

Rann: (Umiyak) Kaya nga nagpapasalamat ako na nakita moko bago ako maging-

Christian: Hinde!  Hindi yun mapupunta sa ganun! (Umiyak)

Rann: Christian.. (Hinawakan ang baril na hawak ni Christian) Kailangan mong gawin to para saakin..

Christian: ….. (Tuloy parin sa pagiyak)

Rann: Alam kong mahirap pero hindi lang naman ako ang pinapangalagaan mo diba? Nandiyan pa naman si Camille? ..

Christian: Pe..Pero ate ..

Rann: . (Hinawakan ang pisngi ni Christian) Diba may sinabi ako sayo noon bago tayo pumunta sa Cinemalaya .. ?

Christian : (Tumango..)

Rann:   Ngayon kailangan tuparin mo yun para saakin , Kailangan mong mabuhay para kay Camille ..  Alam ko at alam mo rin na buhay pa siya at alam mo na kailangan niya ngayon ng prisensya mo sa mga oras nato.. Kaya para saakin Christian , hanapin mo siya kahit na anong mangyari..

Survivors Of The Dying World ( A ZOMBIE OUTBREAK) Volume TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon