Chapter 19 - "Glutton & Greed"

220 7 1
                                    

Chapter 19 - "Glutton & Greed"

*?????'s POV*

(Naglalakad ako sa hallway nang narinig ko na naguusap sina Hayden at Victor)

Vic: Gusto kong ulitin yung nangyari noon.

Hayden: Hindi kita maintindihan?

Vic: Gusto kong iparanas sa kanila ang nangyare saakin. Gusto ko maramdaman nila yung sakit na nawalan ako ng girlfriend at yung sakit na naranasan ko nung nawalan ako ng mga binti. Hayden.. gusto kong i renact yung nangyari saakin noon sa kanila..

Hayden: (Nagulat) Aba hindi ko naisip na may ganyan ka palang talento ha? Sige lang ako na bahala kakausapin ko yung iba.

Vic: Sige Hayden .. gusto kong gawin yan sa lalong madaling panahon.

Hayden: That will do Vic..

(Sinong tinutukoy nila? Yung bang mga bago nilang nahuli? Nako kelangan kong sabihan yung dalawa bago mahuli ang lahat)

(Agad agad akong tumalikod at agad agad kong hinanap kung nasaan nakakulong yung dalawang nakuha nila. Pagtalikod ko bigla akong nakaramdam ng kirot at napatingin ako sa aking tiyan.. May dugo.. Pagtingala ko nakita ko si Synthia.. Isa sa mga deadly sinners..)

*Synthia's POV*

Synthia: Oops! Moral Lesson , wag makikinig sa usapan ng iba :) !

(Nakita ko siya na natumba at namatay .. maya maya)

?????: Synthia?!

Synthia: Bakit..?

?????: Bakit mo naman siya pinatay , siya na nga lang ang bukod tanging tumutulong saaking maghanap ng mga valuable na bagay sa labas ng Chinese Hospital na to.

Synthia: Bakit ba kasi hindi ikaw ang kumuha , hmmm.. Wag mong sabihing natatakot ka nanaman Gordon?

Gordon: (Nagalit) (Lumapit) Wala kang karapatang sabihan ako ng takot!

(Bago pa man siya lumapit tinutukan ko na agad siya ng kutsilyo)

Synthia: Pwes, gawin mo! Tandaan mo kung sino ang boss dito Gordon , kung sino ang tumulong sayo noon!

Gordon: .....

Synthia: Kuhanin mo na to at ipakain sa alaga mo. (Umalis)

(Agad agad akong pumasok para kamustahin ang aking boyfriend na si Hayden)

*Gordon's POV*

(Agad agad kong kinuha ang katawan nung pinatay ni Synthia , binalot ko sa carpet na nakuha ko sa isa sa mga room ng ospital. Pagkatapos ay hinila ko ito papunta sa isang room kung saan nandoon ang alaga ko..)

(Papalapit ako ng papalapit ng bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw , galing yun sa kwarto ng alaga ko. Agad agad akong tumakbo para tingnan kung ano yung nangyayari sa kanya.)

(Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan nakita niya ko agad at bigla siyang sumigaw)

?????: WALA NA KONG PAGKAIN! KAILANGAN KO NG PAGKAIN! KAPAG HINDI MOKO BINIGYAN , MAGSISISI KA!

Gordon: Chill ka lang ito dinalhan kita oh.

?????: Oh! (Agad agad lumapit at inamoy amoy) Hmm! Fresh pa!

Survivors Of The Dying World ( A ZOMBIE OUTBREAK) Volume TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon