Author's Note: Magu-update ako kasi nagleave ng message si kuya VchesterG sa message board ko.
-
Hindi pa'rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Sinampal ko ang sarili habang nakatulala sa whiteboard, puno na ito ng mga salitang hindi maproseso ng isip kong lumilipad sa alapaap . Hindi ako makapag-focus. Dumaan ang tatlong subject nang wala akong naintindihan. Parang
totoo ang lahat nang nangyari.Did I really entered the book I read yesterday night? Hell, no. Impossible.
"Alli? Okay kalang?" tanong ni Clems. Nag-angat ako ng ulo. Nakatayo ito sa harapan ko. Kita ang pag-alala sa mukha nito.
Ngumiti ako, "O-Oo," tipid na sagot ko. Pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis sa noo ko.
"Hindi halata." she crossed her arms on her chest and rolled her eyes. Oh well, she's not convinced. I want to tell her, but I can't. Baka isipin niya lang na nababaliw lang ako.
'Wag na!
"G-gusto mo kumain?" pagbabago ko sa usapan. Alam kong hindi siya pahuhuli sa pagkain.
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Ikaw talaga! Alam mo 'yung kahinaan ko,hehe." hindi ko na napigilan ang pagtawa.
Nakakalimutan ko talaga ang problema ko kapag kasama ko'to. "Tara na!"
Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago tumungo sa cafeteria. Hindi nauubusan ng topic si Clems kaya hindi rin ako naboboring habang naglalakad.
"Mabuti nalang at hindi ako nahuli ni mama kagabi," sabi nito na ang tinutukoy ay ang late niyang pag-uwi kagabi.
"Bakit kasi alas-diyes ka na umuwi? Saan ka galing?" tumigil ito sa paglalakad. Tila napako siya sa kinatatayuan. Nagbuntong-hininga ako, "Don't tell me, nakipagkita ka na naman sa lalaking 'yon?" may irita sa tono ng boses ko.
She frowned, "No," she answered and took a bite on her sandwich. She sip on her coffee. Hindi siya makatingin sa mga mata ko. She's lying, I knew it.
"Kailan kaba mauuntog at magigising sa katotohanan, Clems?" bigla akong nawala sa mood. Sa t'wing maaalala o maririnig ko ang tungkol sa lalaking iyon, hindi ko man lang maiguhit sa labi ang ngiti. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon.
I mentally rolled my eyes when she didn't answer.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Kahit na kaibigan ko siya ay hindi ko magawang konsintihin ito sa katangahan niya. Ano bang meron sa lalaking iyon? Gwapo? Maputi? Pero walang sipag at talino. Lugi siya ro'n.
YOU ARE READING
Into Another World [On-Going]
Adventure"Fictional characters didn't exist. Hindi tayo pwede, Alliana." All Rights Reserved 2021 Date Started: 08/20/2021 Date Ended: --/--/----