Prologue

23 5 1
                                    

Nakaguhit sa aking labi ang isang matamis na ngiti. Ngiti na dulot ng nobelang binabasa. Malapit ko na itong matapos kaya kilig na ang nararamdaman ko.

“Bes!” pikit-mata kong binaba ang librong binabasa. Nilingon ko si Clementina,inangat ko ang katawan mula sa pagkakahiga sa sofa, tinaas ko ang kaliwang kilay at inikot ang mga mata ko.

“Anong problema mo?” tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. She’s wearing her peach dress. Sa suot palang ng gaga ay alam kong may pupuntahan na naman ito...at isasama niya ako.

“Punta tayo sa mall, bibili ako ng bagong phone.” nakangusong sagot nito.

“Ayaw!” sagot ko dito atsaka muling nilapat ang likod sa sofa.

“Libre kita.” pangungumbinsi nito. Tiningnan ko ito at tinarayan.

“Wait for me.” binigyan ko ito ng pekeng ngiti saka ito pinaupo para mag-ayos.

“Yayks!”

Pumasok na ako ng kuwarto at kinuha ang susuotin ko, kinuha ko ang susuotin. Nagbuntong-hininga ako bago naligo. Ramdam ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Agad akong napahawak sa ulo ko ng sumakit ito.

Muli ay nakarinig na naman ako ng mga boses.

“I love you, Dem—”
“I’ll be bac—”

Putol-putol ang bawat salita ng boses lalaki. Sa sobrang takot ay binilisan ko nalang ang pagligo. Nagbihis na ako at lumabas ng kuwarto.

Naabutan kong nakikipag-kuwentuhan si Tina kay Rolie, kuya ko. Kilala na si Clementina dito sa bahay kaya nagagawa na niyang pumunta rito nang walang pasabi.

“Ikaw na ang magpaalam kay tita,kuya!” rinig kong iritang sabi ni Tina. Malamang ay pinagtitripan na naman siya ni kuya.

“Oh! Ayan na yung kaibigan mo. Bagong ligo, bihis na bihis. Makaka-“hindi” paba sina mama?” lumingon si Clementina.

“Hoy gaga! Bakit naka-messy bun ka? Hindi bagay.” panlalait nito sa buhok ko. Nagkibit-balikat nalang ako. Bibili kami ng phone niya, at hindi kami manghihingi ng atensyon at maghahanap ng lalaki.

“Tara na,ang daming arte.” I rolled my eyes. Unlike me, she’s so presentable.

Tumayo na ito at dahil wala naman daw gagawin si kuya Rolie ay nagpahatid na kami sa kaniya. Pagkarating sa mall ay agad niya akong hinatak papasok.

“Hoy teka,nasasaktan ako.” pinagtitinginan na kami ng iba pero hinatak parin ako nito.

“May latest phone ang iPhone. I want to have it.” napabuntong-hininga nalang ako. Masyadong go-with-the-flow si Clementina, palibahasa’y pinanganak ng may gintong kutsara sa bibig. Sunod sa layaw. Unlike me, hindi mayaman pero hindi rin mahirap.

“Magkano daw ba?” tanong ko.

“80,290 pesos lang.” my jaw literally dropped. Did she really used “lang”? O’my God this girl. I can’t.

“Shit, Clementina Suarez. Are you fucking serious? Did you really buy that phone today?” tanong ko dito. Tumigil ito at humarap sa’kin.

“Oo nga. Why don’t you just follow me and watch me to own that.” muli ay hinatak ako nito.

Ilang minuto ang lumipas at narating namin ang store. Nilibot ko ang paningin. Nakakahilo ang mga presyo dito.

Mabilis na nakabili si Clementina ng cellphone. “Oh!” inabot nito sa’kin ang isa pang bag.

“Sayo yan,ingatan mo.” hinalikan ako nito sa pisngi. “I love you,bes. Thank you ss pagsama.”

Hindi ko alam kung paano tumanggi sa ibinibigay nito. “W-wait, I ca—” she cut me off.

Into Another World [On-Going]Where stories live. Discover now