22. Trapped from the Past

21 5 0
                                    

Alaine:

Nagkagulo kami sa ward 2 nang malaman naming natunton ng mga sipsip naming kasamahan kung saan nagtatago si Charisse.

Nasundan nila si Ate Mika noong nakaraang araw at nasalisihan. Kaya nagkatipon-tipon kami ngayon para sa isasagawang pagpaplano. Ngunit, naabutan naming mahimbing na natutulog ang isang batugan na kasamahan namin na si Iritha. Wala nalang ibang ginawa kundi ang magpahinga. Sobra-sobra na nga ang pahingang ginawa niya at binabangungot pa ata siya nang maabutan namin kanina.

"Parang tanga talaga 'yang kapatid mo Yuki! Hindi talaga maaasahan sa mga ganitong sitwasyon! " Iritadong bulalas ni Mio ng makaalis na si Iritha. Sa lahat ng mga kasama ko rito ay siya ang mapanakit at brusko kung kumilos. Mapanakit dahil sa sobrang gaan ng mga kamay. Kabaliktaran sa kapatid niyang si Kyomi. Mahinhin kasi ito at mahinahon.

"Hindi pa kayo nasanay doon. Siya nga raw si sleeping beauty e, " natatawang palatak ni Yuki. Hindi na kaya nakakatuwa ang pagiging batugan ni Iritha. Pero mas hindi ako matutuwa kapag nilipat siya ng ibang team. Baka siya pa ang mauunang idispatsa nila Bella. Napailing nalang ako.

"Iisa lang ang alam ko na mas bagay sa bansag na sleeping beauty dito sa'tin," biglang nagsalita si Kyomi.

"Sino?" Lahat kami ay napalingon sa gawi niya. Tahimik lang kasi itong nakaupo sa isang sulok. Nakatanaw sa malayo. Kung nakakairita si Iritha, nakakailang naman itong si Kyomi. Sa sobrang tahimik parang multo na siya sa grupo namin. Nakakakilabot kapag bigla itong nagsasalita.

Yumuko muna ito bago sumagot, " si Zurie." Halos pabulong na wika nito. Ang pangalan na pinakaayaw nilang pag-usapan.

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya.

Parang biglang dumaan ang isang anghel dahil walang kahit ni isa man lang sa amin ang nagtangkang umimik. Kunsabagay, tama rin lang naman ang sinabi niya. Aminado rin naman ako na sa lahat ay si Zurie ang pinagpala. Pinagpala nga ba?

Sa tinagal tagal ko na dito ay dalawang beses ko pa lang nasilayan ang maamong pagmumukha ni Zurie. Kapag unang tingin mo palang sa kanya ay para kang mahihipnotismo. Sobrang amo kasi ng pagmumukha niya. Akala mo ay isang anghel na bumaba ito sa lupa.

Unang kita ko sa kanya ay n'ong kaarawan ni nanay Katalina. Kasama niya ang kapatid niyang si Yves at ang pangalawa ay n'ong pinagalitan kami dahil nakagat ng aso si Keva. Kambal ni Zurie si Keva. Pero mas mapapansin mo agad ang kaibahan nilang dalawa. Isip bata kasi si Zurie.

Hindi maipagkakaila sa lahat na mas mahal ni nanay Katalina si Keva kumpara kay Zurie. Kung tutuusin ay pareha naman niyang mga anak ito. Grabe ang galit ni nanay Katalina nang araw na 'yon at naibunton niya ang lahat ng sisi kay Zurie. Matindi rin ang naging epekto nito kay Zurie. Dinamdam nito masyado ang nangyare at labis na sinisi ang sarili sa aksidente.

Simula n'on ay hindi ko na siya nakita. Lage nalang daw itong nagkukulong sa kanyang silid. Kasabay ng araw na 'yon ay nalaman namin na malubha na pala ang sakit sa puso ni Zurie.

Nakakapanghinayang lang talaga na sa lahat ng nandito ay si Zurie pa ang minalas magkaroon ng sakit sa puso. Pero mas nag-aalala pa si nanay Katalina kay Keva. Si Keva na laging pinapahamak si Zurie. Si Keva na pasaway. Si Keva na pinaglihi ata sa pusa. Si Keva na naiinggit kay Zurie dahil paborito ito ni tatay Victor.

"Hoy Alana Lalaine!" Pitik ni Mio sa harapan ko. "Kung saang dimensyon na nakarating ang isipan ni Alana!" Palatak pa nito.

" Bigla mo bang naalala ang gwapong binata sa labas at natahimik ka na d'yan?" Tumatawang panunukso sa'kin ni Mika. Nakakairita talaga ito kahit kailan. Akala siguro niya ay natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. Akala niya siguro nakakalimutan ko ang pagiging pabaya niya kaya nasa ward 17 na sina Astrid at Charisse ngayon.

20 Days in De Villa Asylum [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon