27. Epilogue

43 4 0
                                    

Pagkatapos kong pakalmahin si Rizza ay saka ko pa siya hinatid sa kanila. Alam kung bago para sa kanya ang makita sa gan'ong estado si Keva. Mukhang siya na lang ata ang bukod tanging walang alam sa totoong pagkatao ni Keva. Kaya handa akong protektahan siya sa mga posibilidad na mangyayari. Hindi na maiiwasan ang mag-isip ng ganun lalo na't palala na ng palala si Keva. Hindi ako makakapayag na dadating sa puntong sasaktan ni Keva si Rizza pero mas ayokong masaktan rin si Keva ng kahit na sino dahil biktima lang din siya ng pagkakataon.

Kaya napagpasyahan kung balikan agad ito pagkatapos kung dalawin si Yuki sa detention ward. Hindi pa kasi tapos ang imbestigasyon. Si Yuki at Belva ang huling nakitang pumasok sa ward ni Keva kung saan natagpuang patay si Aya bago mangyari ang raid.

Naabutan kung seryosong nakayukong nakaupo si Yuki sa tapat ng isang malapad na mesa. At sa itaas nito ay may isang bombilya na nakabitin. Katapat naman nito ay isang malapad na salamin.

Dahan dahan ko siyang nilapitan. Nang saktong nasa likuran na niya ako ay saka ko ipinatong ang kamay ko sa balikat niya at pinisil ito. Alam kung mahirap ang pinagdaanan nito ngayon kaya nandito ako para maramdaman niyang may karamay pa rin siya.

"Bakit hindi ka nagsalita? Bakit nanahimik ka lang sa isang tabi?" Walang emosyong sumbat ni Yuki sa'kin. Mahirap basahin ang nasa utak ni Yuki ngayon. Nag-angat ito ng ulo. Walang bahid na emosyon itong nakatitig sa salaming nakadikit sa unahang parte ng silid na kinalagyan niya.

"Alam naman natin pareho na hindi niya kontrolado ang lahat, " tinititigan ko ang sarili ko sa salaming nasa tapat namin.

"Pero tama bang kami ang igiit na pumatay kay Aya? Alam mong hinding hindi ko magagawa ang paratang nila. Hinding hindi ko kayang gawin iyon kay Aya, Yves!" Nanunumbat na ang mga titig niyang ipinukol sa'kin sa harap ng salamin.

"Hindi ko rin siya kayang pabayaan dahil kapatid ko pa rin siya, Yuki." Napabuga ako ng hangin matapos kung bitawan ang mga salitang iyon.

Tumawa ng pagak si Yuki, "isa kang malaking duwag, Yves!"

Nakita ko pa ang pagngisi nito.

"Tama lang na nagdesisyon kami ni Belva na tapusin na ang lahat ng kasamaan niya."

Napakuno't noo ako sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kakaiba ang mga ngiting sumilay sa mga labi niya ngayon.

"Napagkasunduan naming lahat na tapusin na ang pinag-ugatan nang lahat ng ito. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa'kin ngayon.

"Sabihin mo sa aking nagbibiro ka lang!" Malakas na ang tahip ng dibdib ko. Pero nginitian niya lamang ako.

Nag-iinit bigla ang magkabilaang tainga ko. Biglang umakyat ang dugo ko sa aking ulo at hindi ko napigilang sigawan siya.

"Alam mong siya nalang ang pamilyang natitira sa'kin ngayon! Pero bakit hindi mo pa rin naiintindihan iyon?!"

Nagpupuyos sa galit ang puso ko ng lisanin ang lugar ngayon. Nagmamadali akong bumalik sa ospital kung saan naka- confine ang kapatid kung si Keva.

Pero, saktong kakapasok ko pa lang sa elevator ay may namataan akong isang pamilyar na bulto ng isang taong nagmamadaling naglalakad papalayo.. 'Anong ginagawa niya dito?'

Kaya imbes na mapanatag ay mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Lakad takbo na ang ginawa ko upang marating ang silid na tinutuluyan ni Keva ngunit nang maabutan ko ito ay mahimbing pa rin itong natutulog.

Pero malakas pa rin ang kutob ko na may hindi tamang nangyayari ngayon. Idagdag pa na aksidente kung nakita si Calliope kanina. Kaya hindi pa rin ma-i-aalis ang kabang nararamdaman ko dahil..

20 Days in De Villa Asylum [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon