Confessions...

5 0 0
                                        

Chapter 6

Michael's Pov

Nakita ko si Reign kanina sa canteen umiiyak, di ko alam kung bakit. Gusto ko sana syang lapitan kaso dumating yung dalawa nyang kaibigan Steffi ata yung isa tpos si Julie nman yung kasama nya.

Umupo ako sa right side ng table nila, kinakausap sya ng mga kaibigan nya pero bigla nlang syang umiyak. Kakaiba pla syang umiyak, ang hirap pa tahanin. Gusto ko sanang lumapit, pero nagdadalawang isip ako.
Tumayo sya, dahil palapit na si Raux yung ex daw nya. Hinawakan nya yung kamay ni Reign. May sinabi si Steffi pero di ko narinig medyo malayo kasi ako sa kanila at marami na ring tao ang nkikichismis sa kanila. Mamaya parang nahihirapan na syang huminga at namumula narin sya, napaupo sya bigla at natumba.
Nataranta na ako nun, gusto ko sana syang buhatin pero ano pa nga bang magagawa ko? E anjan na si Raux e. Kaya sumunod nlang ako.

Reign's Pov

Clinic

"May sasabihin ako sayo" Sabi ni Raux habang nakaupo kami sa park,
"Oh? Sg sabihin mo. Ano yun?"
Naexcite ako bigla, lumapit sya sakin at pinaharap nya ako "Mahal k-----

Nagising ako bigla, di ko alam pero parang natatakot ako kung ano man ang marinig ko. Naginat inat muna ako, tatayo sana ako pero ang sakit ng ulo ko kaya nahiga nlang ako. "Aray" hinawakan ko yung left side ng chest ko, ang sakit e.

"O, anong masakit? lika tulungan kita. Uhm Lumabas muna sandali yung boyfriend and kaibigan mo may bibilhin lang daw sila" sabi ng nurse sakin. Tekaaaa-- boyfriend? Sino ba boyfriend ko? Kainis >.< "Aa miss, sino hong boyfriend?" Tinanong ko sya dahil nagtataka ako.

"Naku! Ikaw, dinedeny mo pa boyfriend mo. Haha sayang gwapo paman din yun, pag ikaw ideny mo yun maagaw sayo yun. Sge ka. Ahaha kabataan nga naman" Ha? Npakamot nlang ako ng ulo ko. Umalis na si miss, may gagawin pa siguro. Kaya naiwan nlang ako. Ano ba gagawin ko dito? Haaay. Ano ba kasing nangyayari sakin? Gusto ko nang mag move on, pero ano mas ginugulo nya lang ako. Bakit pa kaya sya bumalik, I mean bakit nagpakita pa sya sakin? Tahimik na ako nun eh, pero ginulo na naman nya ako.

*cricket* *cricket*

Ay teka! May nagtext sakin.

From: Daddy

Princess, Asan kna? Daddy's waiting. Andito lang ako sa parking area.

Ay patay! Oo nga pala susunduin ako ng Daddy ko.

To: Daddy

Okay dad. Im on my way there. ;)

Lumabas na ako, at nakita ko si Michael sa labas. Nginitian ko lang sya, tapos nag good bye na ako. Ano kayang ginagawa nya dun? Tss.
Teka. Asan na kaya sila Steffi?
Matext nga..

To: Steffi

Hey Steff. Asan ka? Sorry nga pla kanina, nagworry pa kayo :( Uhm. Anyways, Im on ny way home. Take care :*

Sent!

Nakita ko na yung kotse ni Dad, at pumasok na ako.

"Hi Dad" kiniss ko sya sa cheeks at kiniss din nya ako sa forehead.
"How was your school? Wait... bakit ganyan mata mo? Umiyak kba?" Ooops. Lagot na napansin. Aish nman oh. Teka mag iisip ako ng palusot, ano kaya! a tama!!

"Ahm. Aaa Dad, ano kasi napuwing ako... kaya ayun ang sakit kasi sa mata kaya naiyak ako ng sobra" medyo naging sad yung boses ko. Psh. Cheer up! Nginitian nlang ako ni Dad at ngumiti nlang rin ako sa kanya. Kinuha ko nlang yung iPod ko at naglaro ng Hell Zombie. Aish. Takte nman oh. Ang hirap patayin 'tong kalaban kainis. Ang hirap ma stage complete. Ay game over na! Aaaaaa. Huhu :(
Joke lang.

Miss moving on  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon