SPECIAL CHAPTER

3K 104 46
                                    

Special Chapter: Hottie Student

—•❀❀❀•—

Nakaangat ang kilay ni Ren habang pinagmamasdang pumasok ang kanyang bagong 'estudyante'. In all fairness, the man who stood outside the door a while ago was a hottie student even with his thick eyeglasses and neatly comb hair.

Tila nahihiya pa nga itong tumuloy sa pagpasok sa silid ngunit siya na mismo ang nag-udyok dito na pumasok. Nang akmang uupo na ito sa upuan ay pinigilan niya ito.

"Dahil sa ika'y isang bagong mag-aaral, at sigurado akong nais ng iyong mga kaklaseng malaman ang iyong pangalan. Maaari ba na ikaw ay pumunta rito sa harapan at magpakilala sa kanila?" aniyang nakalahad ang kamay habang naghihintay na pumunta ito sa harapan ng klase at magpakilala.

Ngumiti naman ang lalaki sa kanya, "opo binibining McGregor," anito.

Naglakad na ito sa harapan ng klase at kitang-kita niya kung paano napapasunod ng bawat galaw nito ang mga babae at binabaeng estudyante niya.

"Napakakisig na nilalang!" impit pa'ng tili ng isang bakla.

Kapag sa loob ng kanilang silid ay hindi niya pinahihintulutang magsalita ng anumang lenggwahe bukod sa tagalog, ang kanyang mga estudyante. Kahit na ano pa ang pinag-uusapan ay purong tagalog lang ang ipinapagamit niya.

While waiting for him to speak and present his self. She decided to sat down on her chair and relax her feet for a moment. Ramdam niya ang pamamanhid niyon dahil kanina pa siya nakatayo sa harapan ng kanyang mga estudyante. Hinimas-himas niya ang parte ng kanyang binting nananakit, at nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatitig doon ang kanyang bagong mag-aaral... nga ba?

Tumikhim naman ito kapagkuwan ay tumingin sa mga kaklase nito.

"Magandang araw sa inyo. Ang pangalan ko ay si Morpheus McGregor. At ang edad ko ay... hulaan niyo na lang." Kumindat pa ito sa mga kaklaseng kaharap kaya narinig niya ang pagtili ng lahat ng kababaehan dito.

"Kung mahuhulaan ko ba, magiging akin ka ba?" Tanong dito ni Tina.

Iniangat ni Morpheus ang kanyang kanang kamay at makikita sa kanyang palasinsingan ang isang palatandaan na hindi na ito binata. Narinig niya ang pagkadismaya ng kanyang mga estudyante dahil doon.

"Teka po, bakit magka-apelyido kayo ni Binibining McGregor?" Tanong naman ng isa pa, si Katlyn.

Ngumiti lang si Morpheus sa tanong na iyon at nagsimula nang maglakad pabalik sa bakanteng silya.

Tumayo na rin naman siya at hindi na pinagkaabalahan ang pagsagot sa mga tanong ng kanyang mga estudyante.

"Magsimula na tayo sa ating aralin. Pero bago muna 'yon. Kumuha kayo ng isang buong papel. Magkakaroon tayo ng isang maikling pagsusulit  tungkol sa ating tinalakay noong nakaraan." She heard them groaned because of the sudden short quiz that she will give to them.

Alam na alam ng mga ito na hindi maikli ang pagsusulit na ibibigay niya kapag sinabi niyang maikli lamang iyon. Pero dahil trabaho niya ang magbigay ng kaalaman sa mga ito, palagi siyang nagbibigay ng pagsusulit upang malaman na rin niya kung sinu-sino talaga ang nag-aaral.

"Unang tanong..." Nagsimula na siyang magtanong sa mga ito hanggang sa natapos sila at ibinigay sa kanya ang lahat ng mga papel. "Bukas malalaman niyo na ang mga sagot at kung ilan ang inyong marka." Pagkatapos niyang sinabi iyon sa mga ito ay nagsimula naman siyang magturo sa kanilang aralin sa araw na iyon. At saktong pagtunog ng bell ay naibigay niya na sa mga ito ang takdang aralin. "Paalam sa inyong lahat."

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 2: 𝒲ℯ ℬℯ𝓁ℴ𝓃ℊ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon