SYPNOPSIS

5 0 0
                                    

Wala paring bago
Ikaw pa rin ang aking gusto.
Gaano man kabilis ang panahon,
Ngiti mo pa rin ang lagi kong baon.

Alam kong tapos na ang lahat sa atin ngayon,
Pero narito ako humihingi ng isa pang pag kakataon.

Hayaan mong makilala kita,
Hayaan mong mahalin kita sa paraang alam ko mapapasaya kita.
Hayaan mong ipaglaban kita.

Para kahit gaano man kaliit ang tiyansa,
Alam kong hudyat 'yon ng bagong pag-asa.

Akala ko noon pag-ibig mo lang ang mahalaga.
Pero tinulungan mo kong maintindihang 'di lang saiyo ako sasaya.
Kaso nung umalis ka,
Pinalitan ng sakit ang lahat.

Wala lang ba 'ko talaga?
O baka di naman talaga tayo tinadhana para sa isa't-isa.
Mag tagpo man tayo'y wala ng halaga.
Sa kaalamang tiwala ko'y nasira mo na.

Hanging ka'y lamig,
Ramdam hanggang sa iyong tinig.
'Yon lang ang nais marinig,
Bakit pilit mong pinagkakait?

Mundo ba natin sadyang maliit?
O sadyang uhaw lang ako na ika'y bumalik.

Salamat sa aral mula sa nakaraan natin,
Nasaktan mo ma'y papatawarin kita palagi.
Pero mahirap ibalik ang dati.

Epekto mo man ay malakas,
Ako ma'y 'di nakatakas,
Ngunit ngayon, malaya kong tatanggapin ang salitang.....

PAHIMAKAS.

PAHIMAKASWhere stories live. Discover now