CHAPTER TWO

4 0 0
                                    


Gabing-gabi na ng umuwi si Mama. Tapos na rin naman akong kumain kaya wala na silang po-problemahin.

"Lilac, nasaan ang Papa mo?" tanong ni Mama ng mapansing wala si Papa.

"Umalis kanina, makikipag kita daw sa pinsan n'ya." kibit-balikat kong sagot habang ang tingin ay nasa cellphone.

"Anong oras?" tanong ulit n'ya.

"Pagka alis n'yo po, kumain lang kami tas umalis na rin po s'ya." paliwanag ko.

Rinig na rinig ko kung panong buntong hininga ang ginawa ni Mama paglatapos kong sagutin ang mga tanong n'ya.

Alam kong parehas kami ng iniisip ngayon, bakit naman makikipag kita si Papa sa mga pinsan n'ya. Wala naman s'yang pera pang pautang sa mga 'yon.

"Malapit na pasukan, naka bili ka na ba ng mga gamit mo?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga damit n'ya.

"Wala pa naman pong binibigay si Papa na pang bili." sagot ko.

"Sinabi mo ba sa kanya?" kunot noong tanong nito.

"Hindi po." sagot ko ulit.

"Wala ka namang aasahan don ba't inaantay mo pa 'yon." inis nitong asik.

"Lagi naman po kasong nag kukusang mag abot si Papa pag alam n'yang malapit na ang pasukan." paliwanag ko.

Inabutan n'ya ko ng pera, tantiya ko'y eto ang pambili ko ng gamit.

"Bumili ka na bukas. Bago pa mag mahal ang bilihin." utos nito.

Inisip ko pa muna kung anong mga gamit ang ka-kailanganin ko bago natulog para bukas dire-diretso na lamang ang pag bili ko.

Kinabukasan, nagising ako sa sigawang nag mumula sa labas.

"Oh, talaga Matthew? 'yang palabas-labas mo. Papunta punta mo d'yan sa mga pinsan mo, walang kasamang katarantaduhan 'yon?" sigaw ni Mama.

"Tigilan mo 'ko Amy. Pagod ako gusto ko nang magpahinga." inis na sagot ni Papa.

"Aba, napapagod ka pa n'on? Wala ka ngang ginagawa dito sa loob ng bahay, wala ka rin namang trabaho. Ang sarap nga ng buhay mo 'e. Napapagod ka pa?" inis na inis na singhal ni Mama.

"Amy nananahimik ako, tigilan mo 'ko ha!" pikon na sabi ni Papa.

"Sige lang, Matthew. Ipag patuloy mo lang yang kalokohan mo. Sinasabi ko sayo, mawawala ang karapatan mo bilang ama ng anak mo." pananakot ni Mama.

"Ma." tawag ko sabay kapit sa kamay n'ya.

"Bibili na ko ng gamit ko sa school, gusto mo bang sumama?" aya ko kay Mama.

"Tigilan mo ko Lilac. Nag iinit ang ulo ko sainyong mag-ama." galit na sagot sa akin ni Mama sabay bawi ng kamay n'ya at lumabas na ng bahay.

"Pa, ano na naman bang ginawa mo?" tanong ko kay Papa.

"Ewan ko ba d'yan sa nanay mo ang aga aga nag aalburuto." pikon na sisi nito kay Mama.

"Anong oras po ba kayo umuwi?" tanong ko ulit.

"Nag punta ako sa mga pinsan ko kaso trabaho ang usapan. Pumunta ako ron para sa trabaho, ta's uuwi ako rito ganyan ang madadatnan ko." giit pa nito.

"Kumain na po ba kayo? Hahainan ko kayo." alok ko.

"Hindi na. Nakaka walang gana. Matutulog na muna ako. May pera ka na ba pang bili ng gamit mo sa school?" tanong nito.

"Meron na po. Binigyan ako ni Mama kagabi." sagot ko.

PAHIMAKASWhere stories live. Discover now