CHAPTER THREE

3 0 0
                                    






Kakababa lang namin galing sa sinakyang jeep ng mag salita s'ya.

"Baka wala si Mama sa bahay." 'di naka tinging wika n'ya.

"Ah, 'e 'yong kapatid mo?" tanong ko.

"Nasa bahay s'ya ng mga Tita namin kapag weekend." sagot n'ya habang dire-diretso pa rin ang lakad.

"Sigurado ka bang puwede sa inyo? Baka magalit si Tita." omg, segway ng Tita hehe.

Napatingin s'ya sa akin ng narinig n'yang tinawag kong Tita ang Mama n'ya.

"Ah-ano, Si ano pala, 'yong Mama mo." pag tatama ko sa sinabi ko.

Umiling lang s'ya habang naka ngiti.

Omg, ngumiti s'ya sa'kin.

"Ngumiti ka!" tuwa kong sabi sa kanya.

Tinignan n'ya lang ako ng naguguluhang titig.

"Ngumiti ka kanina 'e." sabay siko ko sa kanya.

Umiling lang ulit s'ya at dumiretso na sa paglalakad.

"Isa pa nga!" pangungulit ko sabay labas ng cellphone ko.

"Dali na!Ngiti ka ulit. Picture-an ko!" tuwang tuwa ko pang utos.

Seryoso lang s'yang nakatingin habang nakatapat sa kanya ang camera ng cellphone ko.

"Dali na! Yey, ngingiti na yan!" pang-aasar ko.

'Di ko alam 'yong itsura n'ya picture pero masaya na 'ko na nakita ko yung ngiti n'ya. Ewan ko ba. Pakiramdam ko achievement ang pag ngiti n'ya.

"Oo nga pala. Lilac Casienda Morato." pag papakilala ko sabay abot ng kamay ko.

Tinignan n'ya lang ako ng naguguluhan.

"Nagpapakilala ako sa'yo ng pormal, baka gusto mong iabot yung kamay mo kasi ngalay na ko hehe." sabi ko at higit sa kamay n'ya sabay pinag shake hands.

Pero imbis na sabihin ang pangalan, tinalikuran n'ya lang ako.

"Argh!" angal ko ng hindi pa rin makuha ang pangalan.

Sinundan ko nalang s'ya hanggang sa bahay nila.

"Pasok." pag papatuloy n'ya sa akin habang binubuksan n'ya ang ilaw at dire-diretso sa kusina.

"Marunong kang mag luto?" tanong ko habang humahanga sa itsura ng bahay nila.

Normal na bahay pero kitang kita kung gaano kalinis ang loob. Nakakahiya tuloy isipin 'yong itsura ng kwarto ko.

"M-hm." sagot n'ya lang habang nag hahanda na.

"Anong lulutuin mo?" tanong ko ulit.

"Ano bang gusto mong lutuin ko?" balik n'yang tanong sabay tingin sa akin.

"I-ikaw?" may pag aalinlangan ko pang tanong pabalik rin.

"Hmm." matinog s'yang ngumiti sabay talikod sa akin.

"I mean, ikaw. Kung anong kaya mong lutuin." paliwanag ko.

Nag kibit-balikat lamang s'ya.

"Puwede mong buksan yung T.V sa sala habang nag aantay. " suhestiyon n'ya. Habang naka talikod s'ya sa akin.

"Mas gusto pa kitang panoorin kaysa sa kahit anong palabas." bulong ko.

"Ha?" nagtataka n'yang tanong sabay harap sa gawi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAHIMAKASWhere stories live. Discover now