Kabanata 14

10K 433 134
                                    

Kabanata 14

Twins

"I was just protecting myself, Dada, that was just self-defense." I heard Clyne say before she dramatically sighed.

Kasalukuyang nag-uusap sila ni Jonas at nasa sala, naglalaro ng video games na gustong-gusto nila. Habang ako naman ay naghahanda ng makakain nila. Hinayaan ko muna sila doon dahil alam kung miss na nila si Jonas at ilang buwan din silang hindi nagkita. 

"Ano bang ginawa niya sa 'yo, Clyne?"

"Dada, she was about to pulled my—" napahinto siya sa pagsasalita kaya napatingin ako sa gawi nila. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil binulong na lang niya ito kay Jonass.

"That's the reason why you stabbed her hand?" muling tanong ni Jonas.

"Yup, I told her that my patient is not that long. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero hindi nakinig at pinagpatuloy akong inasar nang inasar hanggang sa napuno na ako. Iyan tuloy nasaktan siya, I warned her many times. Bingi siya, kasalanan niya 'yon." Paliwanag ni Clyne na ikinaliit ng mata ko.

"Ano ang sinabi ko sa inyo Clyne?" nakisama na ako sa usapan dahil sa narinig ko mula sa kanya.

Hindi ko siya pinalaki ng ganyan. I told them every day to respect each of their classmate at ang pinakaimportante ay huwag na huwag silang manakit ng kapwa. Clyne is a short tempered but I always remind her na isumbong niya sa guro kung talagang napupuno na siya. Hindi iyong mananakit siya.

"Huwag manakit ng kapwa, Mommy." Si Clone ang sumagot.

Lumapit ako sa kanila habang dala ang isang tray na may pagkain nila. Nilapag ko iyon sa maliit na lamesang nasa harapan at hinarap si Clyne na nakahawak ng controller.

"Mommy, hindi ko siya masasaktan kung hindi niya ako inunahan." Pumikit siya at huminto sa pagsasalita, "Okay, it's my fault Mommy." she surrendered. 

"Ang sinasabi ko lang Clyne, huwag kang mananakit. It will affect me and Clone, paano kung ikaw naman ang saktan? Ang bata mo pa para sa gan'yan Clyne." Hindi ko mapigilang muli siyang pagsabihan, hinding hindi ako mapapagod pagsabihan siya dahil ayaw kong maging magulo muli ang buhay namin.

At ayaw na baka isang araw dahil sa ginagawa niya ay makisama ang mga magulang at maging siya ang mapahamak. Hindi naman masama ang pagtanggol sa sarili, pinasali ko nga sila sa taekwondo class para marunong sila sa self-defense pero hindi naman iyong pinatatawag ako sa paaralan nila dahil may nasaksak siya sa kamay!

Yumuko siya at natigil sa paggalaw ng controller. My badass baby is now scared. Tama naman iyon, tama na may takot siya sa akin.

"Hindi na po mauulit Mommy... Sorry po..."

Nagkatinginan naman kami ni Jonas at pinandilat ko siya ng mata para aluhin si Clyne at baka umiyak pa.

"Talagang hindi na mauulit, ma-eexpelled ka kapag inulit mo pa 'yon Clyne!" maging si Clone ay pinadilatan ko rin dahil inasar pa si Clyne.

Nag-iwas ng tingin si Clone at kinuha ang controller ni Jonas. Umiling ako sa lalaking anak ko at doon umupo sa gilid niya. Dinig ko namang pinapalakas ni Jonas ang loob ni Clyne at pinapabalik ang nawalang kasiyahan.

"Maglaro ka na Clyne, pinapatawad na kita." Parinig ko.

Pinunasan nito ang nababadyang luha at muling kinuha ang controller. Nakinig ako sa kanila habang naglalaro, nanliit ang mata ko kay Clyne na naglalaro. Pinagsasabihan kasi nito si Jonas ng kanyang plano para mamatay ang kalaban nila.

Ilang beses ko nang tinago ang larong nilalaro nila. It involves gun, may mga kaaway din sila na tila ay nasa isang digmaan. Pero kahit anong tago ko, iyon ang hinahanap nilang dalawa, iyon ang gusto nilang malaro. Hindi naman sila lumalabas ng bahay dahil medyo tahimik ang subdivision na tinitirhan namin at wala masyadong bata sa labas na lumalabas din. 

Hiding the Mafia Boss Twins (Hiding Series #3)Where stories live. Discover now