Kabanata 19

9.9K 462 102
                                    

Kabanata 19

Time

Pagkarating namin sa harap bahay kita ko kung paano umalis si Clone sa kandungan ni Cole at pumunta sa akin. Yakap-yakap ko si Clyne na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin, sa kanilang dalawa ni Clone. Si Clyne iyong palaban pero mahina ang katawan, mabilis siyang dapuan ng sakit.

Kaya sobrang hands-on ko talaga sa kanila, kaunting daing lang naalarma na ako kung ano ang nangyari sa kanila. Medyo may kalayuan kami sa syudad kaya may private doctor kaming tinatawagan na kaibigan ni Jonas.

Naunang bumaba si Cole at tinignan ang paligid bago niya kami pinababa. Hinawakan niya si Clone ngunit suplado niya iyong tinapik ang kamay ng ama. I heard Cole sighed.

Nang tuluyan nang makababa si Clone ay sumunod ako. Hinawakan ako ni Cole dahil hawak-hawak ko pa rin si Clyne. Hindi ko mabuksan ang gate namin kaya binigay ko kay Cole ang susi para siya na ang bumukas.

"Clyne are you okay?" tanong ko Clyne nang makapasok kami sa loob ng bahay. Wala na kami sa loob ng sasakyan baka mawala na ang panginginig niya.

He shake her head, "My head is aching." Daing niya.

My heard beaten so fast but I maintain myself to calm. Hindi ko gaano ramdam ang katawan ni Clyne dahil nakapalupot sa kanya ang makapal na towel, hinawakan ko ang noo niya at sobrang init na niya. Ito talaga kinakatakutan ko, ayaw kong maulit iyong inapoy siya ng lagnat at hirap na hirap siyang huminga.

"Clone, call the doctor! Faster!" sabi ko kay Clone bago ako kami nagtungo ni Clyne sa silid nila.

Ramdam ko ang pagsunod ni Cole sa likuran ko, "What is happening Clara?" tanong niya.

"Inaapoy si Clyne ng lagnat,"

I heard him cursed at kinuha sa akin si Clyne. Kita ko ang pagdaing ni Clyne at hindi pagsang-ayon nang kunin siya ng ama. Ngunit wala na siyang magawa dahil nanghihina na.

Kinalkal ko ang mga gamit nila at kinuha ang isang temperature tool para malaman ang init ni Clyne. Binigay ko kay Cole iyon ay siya ang nagmanipula para mailagay sa katawan ni Clyne. Umupo siya sa kama at sunod ko namang kinuha ang ipapalit kay Clyne.

Nang makakuha na ako ng damit ay bumalik ako sa gawi nila Cole. Parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko nang makita siyang pinupunasan ang katawan ni Clyne at hinalikan pa ang noo. Lumapit ako sa kanila at tamang tumunog ang tool na nasa kili-kili ni Clyne.

"39 degree, Clara."

Akmang magsasalita na ako nang marinig namin ang sigaw ni Clone.

"Mommy! Nandito na si Doc!"

Tuluyan ko nang pinalitan si Clyne at pumasok ang doctor sa loob ng silid. Nanlaki pa ang mata ng doktor nang makita niya sa Cole.

"Cole." Ani pa nito na parang kilalang kilala niya si Cole.

"Bakit ka nandito Cassian?"

"Doctor ako malamang, tabi ka diyan titignan ko anak ni Isadora." Dumiretso si Doc Triton at tinignan si Clyne.

"Mommy, I'm cold."

Napatingin ako kay Clone, nagmadali akong kumuha ng damit para sa kanya. Kinuha niya sa akin iyon para palitan ang sarili sa cr ng silid nila. Binalik ko ang aking tingin kay Doc Triton at Cole na nag-uusap habang may minaminipula si Doc kay Clyne.

Nang matapos siya sa ginagawa ay muli niya akong hinarap. May ano siyang sinulat sa kanyang papel bago nilahad sa akin.

"She's okay, nabigla lang ang katawan niya sa lamig. Dampian niyo lang ng malamig na tubig ang noo niya para humupa ang init. Painumin niyo rin ng gamot, nakasulat na lahat diyan."

Hiding the Mafia Boss Twins (Hiding Series #3)Where stories live. Discover now