Kabanata 4

10.6K 422 91
                                    

If you want to be updated about my stories, you can follow me on Twitter @3rithreawp. Active ako doon at doon ako nagbibigay ng mga hints tungkol sa mga future story ko. Excited na akong makilala niyo ang mga susunod na generation, alam kong hindi pa tapos ang Hiding Series pero may plano na po ako para sa mga anak nila HAHAHAHA.

Huwag sana kayong mapilit sa gusto niyong pares, okay? HAHAHAHA

I'll try my best to update Cole and Clara every week.

Kabanata 4

Punch

Hawak-hawak ang aking kamay ay lumabas ako ng silid. Hindi naman ako nakagapos at maayos naman akong makagalaw, ang iniinda ko talaga ay ang aking tiyan na napuruhan ng gagong Garcia.

Even my bruises are already fine. They are healing slowly. Araw-araw kasi ginagamot ng mga tauhan dito na hindi ko kilala lahat. Hanggang ngayon, gulong-gulo pa rin ako kung nasaan ako.

Malayo pa lang sa lamesa ay tanaw ko na ang dalawang katao doon na nakaupo. Ang babaeng nangangalang Lili at si Zachary na pawang may seryosong pinag-uusapan. This house was full of men, kahit saang banda ng bahay ay mga kalalakihang nakabantay. Madaming nakabantay sa paligid at mahihirapan talaga akong makalabas dito.

Pero kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano makalabas dito. Hindi ko kayang magtagal pa dito, kailangan ako ng Red Bullet. Hindi ko din kaya ang sarili ko kapag ako lang mag-isa, baka mamamatay ako dito.

I walk towards them and sat beside Lili. She smiled at me and I smiled back. She looks kind, even the man named Zachary looks kind too. Ang ikinababahala ko lang baka boss nila si Cole, paano kapag nalaman niyang nandito ako e'di papatayin ako no'n. Kalaban kaya nila ako, nasa Red Bullet ako habang sila ay nasa Ferrante Clan.

Isa pa, mamamatay tao 'yon. It runs in their blood though. His father killed my Mom and Cole killed many lives too. Kinuwento rin sa akin ng iilang tao sa Red Bullet kung gaano kasamang tao ang Cole Ferrante na 'yon.

My Mommy knows everything about my Dad's wrongdoing and Mom was against it. We are against his shit, creating an organization to have power.

Never nagustuhan ni Mommy ang Clan pero bakit pa siya pinatay ng ama ni Cole? Para ba gantihan si Daddy? My Dad is powerful baka iyon ang hindi nila matanggap, na maangatan siya ni Daddy kaya si Mommy ang binitiktima nila.

"Let's eat," ani Lili nang mailapag ang pagkain sa lamesa.

We started to eat, while I was eating I felt Zachary watching my movement. Nailang tuloy ako at dinahan dahan ang pagkain. Tatlong araw akong walang kain kaya gutom na gutom ako. Baka huling akin ko narin 'to kapag nalaman ni Cole na nandito ako sa pugad niya.

"Eat slowly, Clara." I heard Zachary say.

I glared at him. I don't want him to call me Clara! My mom used to call me that name, siya lang ang gusto kong magtawag sa akin ng gano'n, ang mga importanteng tao lang sa akin. Kahit nga si Jonas na importante nga sa akin ay Isa ang tawag.

Hindi ako papayag na tawagin niya akong Clara. Hindi kami close para tawagin niya akong Clara!

Muli akong kumain dahil sa pagtikhim ni Lili sa gilid ko. Mahina akong kumain at dinama talaga ang pagkain. Nang maramdaman kong busog na ako ay kumuha ako ng tubig at ininom iyon.

"Pwede ba akong pumunta sa silid ko? Tapos na akong kumain." Tanong ko sa kanila.

"Sure you can," sagot ni Zachary.

Tumango ako at tumayo. Nilakad ko ang daan pabalik sa silid kanina. Habang naglalakad ay tinitignan ko ang paligid, baka may mga daan para makalabas ako sa bahay na 'to. Alam ko naman na hindi nag-aalala si Daddy sa akin at wala din akong pake sa kanya. Kailangan ko pang maiganti si Mommy, hindi ako pwedeng makulong dito.

Hiding the Mafia Boss Twins (Hiding Series #3)Where stories live. Discover now