Kabanata 3

16.9K 382 7
                                    

Chescka

I cursed when I almost bump my head on the glass door of the hotel's entrance dahil nga kulang ako sa tulog kaya bangag na bangag ako ngayon. It is still early but I am already on my way to EMC dahil sinabi ko kahapon kay Chelle na babalik ako to settle everything. I really want to back out right now but I can't or else the company will sue me kase kagabi binasa ko ng maiigi yung kopya ko ng kontrata na pinirmahan ko under EMC at wala naman akong nakitang mali doon except sa pirma, ang isa sa pinakamalaking pagkakamali nanamang ginawa ko. If I only know na kumpanyan niya iyon, hinding-hindi ako papayag. I can pay naman the money if ever I decided to back out pero sayang din yun, ilang buwan ko ulit pagtratrabahuan yun. I will just try my best to avoid him even if it is impossible.

And now I am standing here in the front of the company, nag-aalinlangan ako kung tutuloy ba ako or what kase the moment na pumasok ako sa loob, wala ng bawian. After almost a thousand times of thinking, I finally decided to go inside. Maglalakad na sana ako palapit kay Sofia na nasa receptionist desk ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Chescka?" Kaagad akong tumingin sa may gilid ko at nagulat ako nung lumapit sa akin ang hindi pamilyar na babae and based on her outfit, isa sya sa mga empleyado ng EMC.

She is smiling at me kaya naman nginitian ko din siya pabalik, tipid nga lang. "Yes, I am"

"Good morning Ms. Chescka, I am Dana Labrosa, Ms. Chelle's secretary at pinapababa niya po ako para masundo kayo."  nakangiting sabi niya kaya naman tumango na lamang ako rito at sumunod sa kanya. Papasok na sana ako sa isa sa mga pampublikong elevator ng kumpanya nang pigilan nya ako.

"This way Ms. Chescka please" sabi niya sabay lahad ng kamay malapit sa elevator kung saan mga may-ari lang ng kumpanya sumasakay.

"That is exclusively for the company's owners right?" imbes na sagutin ang tanong ko, she just instructed me to get into that elevator at para matapos na sumunod na lang ako sa kanya.

"Let's go" sabi ko dahil nakapasok na ako't lahat ay nanatili pa din siya sa labas ng elevator.

"I'll ride the other elevator Ms. Chescka, I am not allowed to go in there." sabi nito and with that she turned her back on me at sumakay na sa ibang elavator.

Fine.

I pushed the 45th floor button and when the elevator closed, napabuntong hininga na lamang ako kase alam ko na kung sino ang nag-utos doon sa sekretarya ni Chelle.

Pagkarating ko sa 45th floor kaagad ko ng nakita ang sekretarya ni Chelle na naghihintay sa akin. She lead the way in going to Chelle's office. Nakasunod lang ako rito and while on our way, a lot of employees greet me again at yung iba pa sa kanila ay palihim akong kinukuhanan ng picture.

Kaagad niya akong pinapasok sa loob at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay tumatakbo ng lumapit sa akin si Chelle at niyakap ako ng mahigpit. " OMG! Kakakita lang natin kahapon ate but I felt like missing you again." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, this is what I love about her malambing.

Hinila niya ako paupo sa sofa na nasa loob bg opisina niya at kaagad akong binigyan ng kape at sandwhich na ang palaman ay mga gulay. Tinanggap ko naman yun at nagpasalamat dahil sa pagmamadali ko kanina at pagiging bangag ko ay hindi ko namalayang hindi pa pala ako nag-uumagahan.

I opened the sandwhich's wrapper at saka ako kumagat, hmm infairness masarap and I am actually used in eating something like this dahil kaming mga model ang number one na kailangang-kailangan talaga naming gawin is to have a healthy diet.

MY EX-HUSBAND { kathniel } RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon