Chapter 9

9 6 0
                                    

"Bakit mo ba kasi ginawa yon?" Pinapagalitan ko ngayon si Prince dahil sa ginawa niya. Si Denise lang ang kasama namin ngayon dahil nandito kami sa malayo sa mga tao.

"Ate, sinadya kong sigawan siya. Okay na?" Nakangising amin niya dahilan para talikuran ko nalang siya dahil kailangan kong ibahin ang ugali ko. "ATE!" Narinig kong tawag ni Prince pero hindi ko na sila nilingon pa.

"Hoy, Mac--" Nilingon ko si Denise dahil nakahabol siya sa akin.

"Namumuro ka na. Call me Lady Estrella, Denise." Napalunok siya bago tumango at yumuko dahilan para talikuran ko na siya pero naramdaman ko pa rin sumunod sa akin.

"Uh, t-tara na.. Mag-ayos na tayo ng tent natin, lady Estrella." Tumango ako bago sumunod sa kanya na ngayon ay nangunguna na sa paglalakad. "Saan mo gusting pumwesto?" Takang taong niya habang nakatalikod sa akin habang iginagala ang paningin niya.

"Kahit saan basta komportable ako." Tumago siya at pinaupo muna ako sa isang tabi dahil maghahanap daw siya ng pwesto naming tatlo nila Prince.

"KAKAIN NA RAW ANG MGA TAGA-HMS (Harold Marie School)!" Napatingin ako sa mga pamilyar pero hindi ko kakilalang mga estudyante na nagtatawag. School namin yon dahilan para ilinga ko ang paningin ko para mahanap si Prince at yayain kong kumain.

"Ma--Young lady Estrella! Kain na raw tayo! Nandoon na rin si Prince, nauna na. Nakahanap na rin ako ng tutulugan natin." Tumango lang ako sabay tayo at sumunod na sa kanya.

"Oh, eto ang sayo." Inabot sa akin ni Denise ang isang plato na babasagin. Tinignan ko ang sa iba, bakit hindi babasagin ang plato nila? "Plato natin yan na dinala ko." Tumango lang ako sa sinagot ni Denise nang malaman niya na nagtataka ako. "Oh, master Prince." Inabot ni Denise kay Prince na katabi ko ang pagkain niya.

Inamoy ko na muna ang pagkain na inabot niya. Well, wala namang ibang amoy. Nakita kong inamoy din ni Prince ang pagkain niya. Nang mapagtantong wala sigurong amoy, sinubo niya at nginuya ito.

Nagsimula ko nang kainin ang mainit na sopas at nang lasahan ko ay nasarapan ako.

"Ang sarap, ano?" Nakangising tanong ni Denise na ngumunguya na rin kaya nginisian ko rin.

"Bigyan mo mamaya sila Ella kung may natira pa." Bulong ko dahilan para sumaludo siya ng palihim.

"By the way, lady Estrella." Nagtataka ko siyang tinignan. "Babantayan ba natin yung lima?" Humina ang boses niya dahilan para tanguan ko lang siya at senyasang manahimik. Mamaya na magplaplano dahil baka mamaya may makarinig sa aming mga tsismosa. "Ah hahaha! Ang kulit kasi ng mga yon! Hahaha!" Pekeng tawa niya dahil alam niya ang ibig sabihin ng senyas ko.

Sumubo na uli ako ng pagkain, hinayaan siyang tumawa-tawa ng peke.

"Mac! Denise! Tara raw r-roon!" Napatingin ako bigla sa nagsalitang si Kaycee. Tinuturo ang mga estudyanteng nakaikot sa isang apoy dahil gabi na. Tumango kami tsaka tumayo dahil malamok sa pwesto namin.

"Mga taga-HMS lang yang mga yan?" Pekeng ngiti ni Denise na tinanguan ni Kaycee.

Tinignan ko ang ibang mga estudyante na hindi galling sa paaralan namin. Nakaikot na rin sila sa apoy at nakaupo sa mga kahoy. May mga nagtatayo na rin ng mga tent na nakaikot din sa apoy. May sari-sarili silang mundo.

"A-ah, saan kayo galling kanina?" Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Kaycee nang tanungin niya iyon.

Nagkatinginan kami ni Denise. Naghihinala na siya.

"Pupunta sana kami sa falls kaso masyado palang malayo." Tumango lang si Kaycee sa tinugon ni Denise at umupo na sa kahoy na upuan niya nang marating na namin ang dapat na puntahan.

Strange Brown EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon