"Group yourselves into fifteen! Kasama ang mga senior high. Boys and girls are combined." Napaangat ako ng gilid ng labi nang magpunta sila Denise, Kaycee, Cristelyn, Sean, Prince at Sienna rito sa pwesto ko.
"Kulang pa tayo!" Sabi ni Sean na hindi na naiilang sa amin. Bakit nga ba sila maiilang? Tss.
Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko lang ay may nalaman sila tungkol sa amin. Bumuntong-hininga nalang ako at binalewala ang nangyayari.
"KYLE! LATRELLE! DITO NALANG KAYO!" Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw ni Sean sabay tingin kila Kyle na malamig na tumango. May mga kasama silang tatlong babae dahilan para bumuntong hininga nalang ako.
Halata sa mga babaeng medyo ahas sila. Just kidding. They are juniors na nakakapit kila Latrelle, Avedis at Kyle. Hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang kutob ko.
"Lady Estrella, siya po yung babae , kasama nila Kyle!" Hindi ko ipinahalata ang gulat ko. Napatingin agad ako kay Denise na napatingin din pala sa amin dahilan para sabay kaming tumango bilang senyas na hanapin ang babaeng may tatak ng tattoo ng Mezonia sa cleavage.
"Mukhang ayaw ni Kenzie, hehehe." Awkward na tumawa si Latrelle nang titigan siya ng apat dahilan para dahan-dahan akong ngumisi.
"Gusto niya yan. 'Diba, Mac?"
"Pwedeng-pwede. Besides, kulang naman kami." Nakangising wika ko habang nakatingin ng deretso kay Latrelle at inisa-isa ko ng tingin sa mga mata ang mga babaeng kasama nila.
Walang halong takot at nakatingin din sila ng deretso sa akin dahilan para mas lalo akong ngumisi. "Si...sige." Sagot nalang ni Latrelle saka dahan-dahang naglakad sa pwesto namin. Pasimple kong tinignan si Denise na napapalunok pa ng palihim pero makalma siyang nakatingin kila Latrelle.
"AFTER GROUPING YOURSELVES, TARA NA SA TULAY!" Napabuntong-hininga ako sabay tingin ng deretso sa punong tinatayuan nila Zack. Nakatago sila ng maiigi kaya hindi ko sila maaaninag.
Pero bahagya akong napatigil nang magproseso sa utak ko ang sinabi ng hinala kong principal. MAY TULAY DITO?! SAAN BANDA?!
"May tulay dito? May nakita ba kayo?!" Narinig ko ang boses ni Ella dahilan para mas lalo akong magtaka sa lugar na 'to. Wala kaming nakita sa pinakamalaking puno na tulay. Or hindi lang namin napansin pero napakaimposible niyon.
Maraming sumigaw at nagsitili sa excite. May mga nagtanong pa kung saan banda raw ito pero wala silang nakukuhang sagot sa medyo matanda nang hinala kong principal.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pero nagtataka pa rin ako pero hindi naman ako kinakabahan. Saan kaya banda ang tulay na 'yon? I am freaking asking myself to get an answer!
"Saan kaya yung tulay?" Napatingin ako sa bumulong na si Kyle. Mukhang wala siya sa sarili niya dahil nakatingin lang siya ng deretso sa nilalakad niya. Nakaisip ako ng ideya dahilan para dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero hindi ko ipinapahalata ang sarili ko.
"Wala naman kaming nakitang tu..." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang makita niya ako. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na ngayon ay nakatingin na rito. Napansin kong mas binilisan niya ang lakad niya pero napahinto din siya dahil hindi siya makaraan sa harapan niya sa rami ng mga estudyanteng siksikan kaya wala na siguro siyang pagpipilian kundi ang bumalik ditto.
"So bakit mo sinabi ang kahinaan ko sa kanila?" Paninimula ko. Napahinto siya ng bahagya pero nagpatuloy-tuloy din sa paglalakad.
"Excuse me?" Napangisi ako dahil inaasahan ko ang sasabihin niya. Tinignan ko siya ng nakangisi pa rin pero hindi ako huminto sa paglalakad, ganon din siya.
BINABASA MO ANG
Strange Brown Eyes
AçãoDela Estrella Series 1 | Mackenzie Estrella | Editing _ They didn't know that that lady will destroy them. Is there any way to stop her? She fell in love with the wrong man. She just found out when she moved at her place. At Dela Estrella. It's the...