"HOOOOOY BURAKDAT KAYO BUMANGON NA KAYO MGA DIMONYETA KAYO, TANGHALI NA'T DI PA KAYO BUMABANGON DYAN"
Haaayst lintik na bunganga ni Mama oh alam na may natutulog tsk tsk aaat may kasunod pa Yan
"PAG-UMULAN NG T*T* DI KAYO MAKAKAKUHA!!!"
Meet my mader na bungangera oo bungangera kahit saan kahit kailan ang ingay. Siya si Maria Minchin Morales, oh diba triple M at galit sya sa lahat na bungi kasi ang tawag sa kaniya mungangera kasi .....
*Flashback*
"Ma bakit ba galit ka sa mga bungi?" tanong ko
"Boba ka ba ha?! Minsan kasi gamitin mo yang tenga mo haaa!? Makinig ka, simula ng pangalan ko M.."
"Oh tapos????"
"Sabing makinig ka eh" sabay hampas sa mabigat nya kamay sa ulo ko
"Oo na sorry Wala ng mang ganyanan, sige continue"
"At ayun nga pangalan ko puro may initial na M, tanggap ko na bungangera ako pero sa mga bwisit na bungi na yan ginawang M ang B sa bungangera, MUNGANGERA!!!"
*End*
Ayuuun kaya galit sya.. pero alam kong di Yun Ang dahilan, kasi sa mga nalaman ko nagkajowa si inay noon na bungi at yun lang ang nakalap ko haha
"HOOOOY MGA DEPUNGAL BANGOOON NA"
"eto na teka lang ma" ako yan
"OH BUTI BUMANGON NA KAYO, HALA MAGSILINIS NA KAYO MGA ANIMAL"
![](https://img.wattpad.com/cover/283652332-288-k769158.jpg)