1

54 13 6
                                    

"Nak gising na malalate na tayo, first day pa naman ngayon" sabi ni mama habang tinatapik ako... bumangon na ako at dumeretsyo sa cr para maghilamos, lumabas na ako ng kwarto para magluto ng agahan namin, nag luto lang ako ng fried rice, itlog at hotdog para makakain n akami ni mama... iinitin nalang ni Neo ang sakanila oag nagising sila mamaya

Naligo na ako at naghanda pagkatapos naming kumain, hinatid kami ni dada hanggang sa sakayan ng jeep papinta sa school

Mabilis kaming nakarating dahil walang masyadong traffic dahil maaga pa naman, pagpasok namin sa school tinuro lang ni mama kung saan ang classroom ko at dumeretsyo na siya sa faculty nilang mga teacher para mag ayos

Pagpasok ko sa room namin wala pang masyadong tao mga 3 hanggang 5 palang kami., naupo muna ako sa harapan, malilipat pa naman ako mamaya kaya sa umupo nalang ako sa malapit sa akin

Maya maya lang dumami na yung tao sa room at tinawag na kaming lahat para lumabas para sa flag cem. , pumasok rin kami agad sa room pagkatapos ng flag cem. dahil medyo mainit sa labas

Syempre pag first of school di mawawala yung introduce yourself buti nalang pang lima ako kaya kahit papaano nakapaghanda ako

Natapos na kaming lahat kaya inayos naman kami ng adviser namin ang seating arrangement namin

Nalipat lang ako dalawang upuan ang layo dun sa unang kong inupuan, btw I'm Nia Lhianne Savannah Ashford, 12 yrs old, grade 7, mag lulunch na pero wala parin akong nakaka usap yung iba may mga kaibigan na, parang ako nalang talaga yung wala

*Lunch*

Palabas na ko ng may kumalabit sakin

"May kasabay ka?" tanong nung kaklase kong si Aicelle

"Wala pa, ikaw?"

"Wala rin, sabay nalang tayo" tumango lang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa court, dun muna yung canteen kasi di pa tapos yung tunay na canteen, na upo kaminaa dulo dun nalang kasi may bakante

"Teacher mommy mo dito?" tanong niya pagkaupo namin

"Oo"

"Ok" kumain na kami pagkatapos nyang magtanong kasi nagugutom na kami pareho, kaninang recess wala talaga akong kasabay buti nalang ngayong lunch may kasabay na ko

*Classroom*

Kakabalik lang namin galing cr, nag toothbrush muna kasi kami at nag ayos bago pumunta sa room

Sa dulo naka upo si Aicelle, S kasi simula ng last name niya

Aicelle San Victores

Araw araw na kaming sabay ni Aicelle tuwing kakain, gagawa ng assignments at gagawa ng mga activities minsan pag nasa iisang group kami kaming dalawa lagi yung partner, pag tagpair naman ganun din

malapit ng mag pre quarter exam kaya nag rereview kami ngayon sa library, kakatapos lang namin kumain ng lunch, binilisan namjng kumain para makaoag aral agad

ang goal naming dalawa, dapat pasok kaming pareho sa top 3, sabi niya ako daw ang top 1 siya naman yung top 2, pareho kaming active sa class pero mas magaling ako ng kaunti sakanya kaya minsan nagpapaturo siya sa akin

"Tapos mo na yung lesson 3?" tanong niya sakin

may sinulat ko muna ko sa notebook ko bago ako sumagot

"Oo, kakatapos lang, ikaw Sel?

"Malapit na, Sav"

Sav ang tawag niya sakin at Sel naman ang tawag ko sa kanya, nung natapos na siya bumalik muna kami sa room at pumunta ulit sa canteen may time pa naman kaya okay lang, nagugutom daw kasi siya

"Ate yung cupcake nga po, apat po" sabi niya dun sa nagtitinda sa kabilang stall

"Dalawang chuckie po" sabi ko kay manong bago ibigay ang bayad, dapat sa isang tindahan nalang kami bibili kaso walang cupcake sa binilhan ko kaya sa kabila bumili si Sel ng cupcake naming dalawa, ganun lagi ang binibili namin pag break, tig dalawang cupcake at isang chuckie, tapos araw araw pinipicturan naming bago kumain kahit iisa lang naman ang binibili namin, iniiba niya lang ng angle para daw malaman niya kung anong angle yung mas maganda

mahilig kasi siyang mag picture picture, lalo na pag pupunta kami sa park pag gagawa kami ng mga assignment dun, bago kami gumawa ang dami na naming picture sa phone niya at phone ko

"MAPEH nalang rereviewhin natin mamaya dba? " sabi niya habang nagbabasa, tymango lang ako at nagbasa na ulit " tapos bukas, recap nalang para ready tayo" tumango lang uli ako sa kanya at nagbasa na....

✧◝(⁰▿⁰)◜✧

sourathanasia


090621

C.A.F.E.Where stories live. Discover now