8

30 7 9
                                    

bumaba na ako ng sasakyan para mag lakad papasok sa school, monday kasi kaya traffic yung nadaanan namin ni tito



pag pasok ko medyo marami rami na yung nasa room



wala pa si Sel kaya limabas muna ako



"Nia" tawag ni Eazcy kaibigan ko rin dito sa school



"Pupunta kang canteen?" tanong niya



"Oo"



"Sabay na tayo" sabi niya



sila ni kimmy dapat yung magiging best friend ko kaso lang pag dumadating si Hanna nalilimutan na nila ako, yung parang nag laho nalang ako bigla



nung una si Sel talaga kasama ko pero nung nagkaroon ng groupinhs sa AP naging close kami ni kimmy kaya sila yung lagi kong kasama kaso nung dumating si Nicole nasira na kami, dumagdag pa si Hanna kaya kami naging mag best friend ni Sel kasi kahit dumating yung mga kaibigan niya sa ibang sec sinasama niya pa rin ako



"Gusto mo ng hopiang baboy?" tanong bi Eazcy kaya tumango agad ako



"Ate sampong hapiang baboy po tapos dalawalang iced tea yung tig teten po" sabi ni Eazcy sa tindera



"70 pesos lang ganda" sabi nung tindera inabit ni Eazcy yung bayad sak kami naupo sa bakanteng upuan



"Di kayo sabay pumasok nila Kimmy? kala ko susunduin ka niya" tanong ko sakanya



"Kahapon kasi parang laging si Hanna yung bida tapos si Nicole naman ponag aaway kami tapos ainisiraan ka pa eh totoo naman na ikaw yung naunang naging kaibigan namin" sabi niya



"Di naman siguro,  saka mabait naman yung ate ni Nicole eh" sabi ko



"Yung ate lang niya" sabi niya



"Tama na yan, kain nalang tayo" sabi ko at nag simula na kaming kumain



nung dumating si Sel sumama siya samin ni Eazcy



nandyan na sina Kimmy pero di na umalis si Eazcy sa tabi namin si Kimmy rin lumalapit samin kasi nga ayaw nilang sinisiraan yung mga kaibigan nila, eh kaibigan nila ako

C.A.F.E.Where stories live. Discover now