*PRE QUARTER EXAMINATION DAY 2*
*MAPEH*
*TLE*
*COMPUTER*
kakapasok ko lang ng room kaya uminim muna ako ng tubig at pumunta sa cr para mag ayos, malalate daw si Sel dahil late na siyang naka tulog at kagigising niya lang ng tumawag ako kanina sa kanya
nanood lang ng kdrama yun
habang nag aayos ako may naririnig akong nag uusap sa labas
"Di naman maganda yung Nia, mas maganda pa rin ako, saka matalino lang yun ng kunti sakin" napatingin ako sa nag salita nun at nakita kong yung isa kaklase ko pala yun
"Hello, uhmm lahat naman maganda, may mga naiiba lang talaga.....katulad mo" sabi ko sakanya bago ako lumabas
nakaka inis nag aayos pa ako eh, saka naiihi na rin ako...
private ba talaga toh? bakit ugaling kalye yung ugali nung babaeng yun, wala naman akong ginagawa sakanya kung ano ano sinasabi sakin
"Sav, anyare sayo? bakit ka nakabusangot?" tanong Sel ng makita ako papasok sa room, kakadating lang siguro ng babaeng toh
" Yung kaklase kasi nating isa, kung ano ano sinasabi tungkol sakin, yung Vanessa" sabi ko sa kanya habang nag lalakad kami papunta dun sa isa pang cr
" May gusto kasi kay Dam yun"
" Yung lalaki kahapon? eh ano namang kinalaman ko dun"
"Kahapon dba pumunta ka munang faculty bago tayo pumunta sa mcdo?"
"Oo"
"Kahapon kasi nandyan sila Dam sa tapat ng room natin, hinahanap ka... eh pumunta ka nga sa facultt kaya di ka niya naabutan, nag tanong pa nga kung anong favorite mong snacks eh" sabi pa niya na animong kinikilig
"Oh tapos?"
"Tapos, syempre nasa labas ng room... narinig din nila Ellen at Vanessa. Tapos narinig kong bumulong si Vanessa kay Ellen na inaagaw mo daw sa kanya si Dam eh hindi naman sila" sabi niya habang nag tataray ang tono
"Feeling, ayaw ko pa naman na sinasabihin ako ng mga bagay na hindi naman totoo" sabi ko pa at lalong bumusangot
lumabas na kami ng cr at dumeretsyo ng room
*MAPEH AND TLE EXAM 2hrs*
Mag kasunod na naming tinake ni Sel yung MAPEH at TLE para maging mahaba yung oras namin sa recess, madali lang naman sakin kasi lahat naman ng subject paborito ko, panghuli nga lang ang Math, medyo nahihirapan kasi ako sa Math
30 mins later
natapos na ko kaya hinintay ko nalang si Sel, nasa last part na naman siya
nung natapos siya sabay na kaming pumunta sa locker para kuhanin yung libro namin sa Computer
nung nakuha na namin dumeretsyo na kami sa canteen/court para kumain at mag review
"Sav, si Dam oh" sabi ni Sel sabay turo sa likod ko
napa tingin ako at nakita ko si Dam
"Hi" sabi niya sabay abot ng 5 cupcake at 2 chuckie
"Hello" sabi ko
" Sorry nung nakaraan ah, nag mamadali kasi kami nun para kuhanin yung mga libro namin" sabi niya
"Ok lang"
"Uhmmm... sige next time nalang" sabi niya at umalis na
"Yieee, my goshhhh SAV" sigaw ni Sel sa kinikilig na tono
"Bagay kayooooooo sobra"
"Di naman, bilisan mo nalang dyan para di tayo malate" sabi ko at nagbasa na
*COMPUTER EXAM 50 mins*
nag simula na kami agad ni Sel para maka uwi ng maaga dahil bukas tatlo ulit yung itatake naming exam
AP, Science, at English....
b, c, d, d, b, a, b, and a done.....
pinasa ko na agad yung exam ko at lumabas na, sa labas ko nalang hihintayin si Sel
nung lumabas siya umakyat muna kami sa 3rd floor para kunin sa locker namin yung mga libro na rereviewhin namin
" Ang hirap nung Computer, di ko kasi kabisado yung iba eh" reklamo niya habang kinukuha namin yung mga libro namin
"Bawi ka nalang next time kung di perfect makukuha mo, turuan kita next time"
"Ok, thank you Sav" sabi niya at niyakap ako bago kami bumaba para lumabas na ng school at pumunta sa mcdo para makabili ng lunch namin
tig dalawa kaming lunch, binili ko narin si mommy pati yung mga kasama niya sa TLE Department para makakain sila ng maaga kasi may meeting pa sila tapos mag chcheck pa ng mga exam
"Sav tingnan mo yun oh" sabi ni sel kaya napatingin ako sa tinuturo niya
naka uniform din siya tulad nung samin, may itsura naman, baka bagong nagugustuhan na naman ni Sel
"Crush mo?" tanong ko sa kanya
"Hindi ah" sabi niya at nagbasa nalang uli kami
habang hinihintay namin si Dam kumain mjna kami
may nag text kay S kaya binasa niya muna yun
"Di daw makakapunta si Dam, sinundo daw siya ng daddy niya"
"Ok" sabi ko, medyo nalungkot ako sa narinig ko pero binalewala ko nalang
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
sourathanasia
nagkamli ako ng publish nung nakaraan, nakalimutan kong may 2nd at 3rd day pa pala, sorry hehe
090921