Day 4: An ally has been slain

19 8 0
                                    

Thursday, 1:45 a.m|

Hindi ako makapaniwala. Sa isang simpleng paglabas na 'yon nalagasan agad kami ng isa. Halos bumaha ng luha ang silid. Nangingibabaw ang hagulgol nina Yeni, Khari at Ciri na kapwa magkakayakap. Ako naman ay natulala na lang sa pinto na para bang hinihintay ko pa rin ang pagpasok ni Rhett do'n.

Ipinaliwanag ni Isla sa amin ang mga nangyari pero ni isa walang gustong tanggapin ang utak ko. Masyadong mabigat at nakapanlulumo. Bumaba raw sila upang maghanap ng iba pang pinto pero nagulat na lang sila nang wala nang Rhett na sumusunod sa kanila sa likuran. Isang malakas daw na sigaw nya ang narinig nila at nang sundan nila kung saan 'yon nanggagaling ay nakita nila si Rhett sa may kusina at kinakain ng buhay ng pamilya.

Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang mangiyak ngiyak na pagkukwento ni Isla. Hanggang ngayon namumugto pa rin ang mga mata nya at tuliro na rin sa isang tabi.

"We're all gonna die here. I swear, we're all gonna die here," paulit ulit na bulong at iling ni Khari, nanginginig at walang humpay sa pag iyak.

Nanlulumong napasandal ako sa pader at nanghihina silang tinignan. Halos lahat sila ay nakayuko at makikita ang kawalan ng pag asa sa mga mukha nila. Unti unti kong nilingon si Kyler. Magkahawak ang mga kamay nya at mariing nakatitig sa sahig. Malalim ang iniisip. Siguro iniisip nyang kasalanan nya dahil ideya nya ang lumabas. Actually wala syang kasalanan do'n dahil pumayag naman silang apat na gawin 'yon kaya lang sa nangyari at sa iniisip nya ngayon... hindi ko alam.

"Paano na? Ano nang gagawin natin?" nanlulumong sambit ni Yeni.

Madaling araw na pero wala sa amin ang may balak matulog kahit pagod na pagod na kami sa kaiisip ng gagawin. Hindi na rin namin namamalayan ang gutom dahil sa mga nangyayari. Maging yata ang pag inom ng tubig ay nakakawalang gana na rin.

"Hindi na dapat tayo mabawasan pa," mahina ngunit matigas na sabi ni Isla, mukhang natauhan na.

Makikita ang nag aalab na galit sa mga mata nya at matindi ang pagkakakuyom ng mga kamao nya.

"P-Pero paano tayo makakaalis dito Isla?" tanong uli ni Yeni.

Napahilamos si Isla sa palad at napasuklay sa buhok.

"Hindi ko alam. Kailangan nating mag isip pa ng ibang paraan."

"Anong paraan?! Wala nang paraan!" umiiyak na sigaw ni Khari."We're all gonna die here that's a fact!"

"Babe calm down," pang aalo ni Heath pero sininghalan lang sya nito ng nanlilisik na tingin.

"Calm down Heath?! Can you hear yourself?! How can I calm down after what happened to Rhett huh?! Wala na! This is our fucking end na!"

"Khari ano ba! Pwede bang manahimik ka?! Hindi 'yan nakakatulong e!" tumaas na tono ni Isla na nagbigay ng iritadong tingin.

"Manahimik?! Really Isla? Paano ako matatahimik kung ganito ang nangyayari sa 'tin?! Those fucking psychotic bastards want to kill us! How do you think should I react on that huh?!"

"Naiintindihan kita pero hindi nakakatulong 'yang pagwawala mo! Imbes na makapag isip tayo ng iba pang paraan ginugulo mo kami e!" pagalit sa singhal ni Isla.

"Paraan?! Isla wala nang ibang paraan!" paos na sigaw ni Khari habang sapo ang ulo."They're gonna kill us all!"

"Shut up!" sigaw pabalik ni Isla, tila napigtas na ang pasensya."Kung ayaw mong makaalis dito pwede bang manahimik ka na lang?! Sa tingin mo mabubuhay tayo kung magkukulong lang tayo rito habang buhay?! Sa palagay mo ba hindi sila aakyat dito isang araw at papasukin tayo ha?!" Galit na tinuro nito ang pinto.

El AsilóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon