Day 5: Launch attack

18 8 0
                                    

Friday, 2:10 p.m|

"Handa na kayo?"

Napatingin kaming lahat kay Kyler bago nagkatingin-tinginan. Nakatayo kaming lahat sa mini sala at pabilog na nakaharap sa isa't isa. May kanya kanyang armas na kung hindi kahoy at bakal na tubo ay patalim at pana.

Buo na ang plano. Mahahati kami sa dalawang grupo. Si Heath, Khari, Yeni at Isla ang magkakasama samantalang si Kyler, Ciri at ako naman sa isa. Parehas na black belter sa martial arts sina Isla at Kyler dahil nasa iisang club pala sa school.

Dahil si Heath at Kyler na lang ang natitirang lalaki, pinaghiwalay sila. Kasama nila si Isla na bagaman iika ika pa rin dahil sa tama ng pana sa hita ay alam naming makakalaban pa. Ako naman ang isinama kay Kyler dahil kahit hindi ako marunong lumaban ay kumpara kina Yeni, Khari at Ciri ay mas malakas ang loob ko. Malakas na loob lang ang kaya kong iambag kahit nangangatal na rin ako sa takot.

Ang plano ay maghihiwalay ang dalawang grupo. Ang grupo nina Heath ay ang backdoor sa pool area ang target. At habang ginagawa 'yon, lilituhin naman namin ang mga kalaban at sa basement kami magpapahabol. Oo magpapahabol talaga kami!

Papalabasin namin na kaming tatlo lang ang lumabas para kami ang habulin habang palihim nang sumisibat ang grupo nina Heath. Kapag nabuksan na ni Heath ang back door sa pool, magtatago muna sila habang hinihintay nila kaming sumunod. Mapapahabol kami hanggang do'n at saka namin sila pagtutulungan. Kapag nagtagumpay kami, madali na lang sa amin ang tumakas gamit ang bukas nang back door.

Hindi ko alam kung effective pero wala na kasing ibang paraan. Maaaring nagkalat din sila sa buong kabahayan at bantay sarado ang mga daan palabas pero gagawin namin lahat para maagaw ang atensyon nilang lahat. Walang kwentang plano pero bahala na.

"C-Can we really do this?" alanganing tanong ni Khari.

Hinawakan ni Heath ang kamay niya.

"We can do this babe. Just stick to me. Walang lalayo, hangga't maaari walang lalayo." Tinignan niya kami nang seryoso.

"Kakayanin natin 'to!" matapang na sambit ni Yeni kay Khari.

Hinawakan ni Khari ang kamay niya. Tumingin si Yeni kay Ciri at hinawakan rin ang kamay nito. Hinawakan rin ni Ciri ang kamay ko kaya napabaling ako kay Kyler at hinawakan rin ang kamay niya. Hinawakan naman ni Kyler ang kamay ni Isla at saka napatingin si Isla kay Heath.

Gusto kong matawa dahil nakabusangot pa ang mukha niya nang sapilitang hawakan ang kamay ni Heath. Nagkatinginan kaming lahat at hinigpitan ang kapit sa kamay ng isa't isa.

"Tandaan niyo. Aalis tayong buo. Walang maiiwan, walang mamamatay. Mamatay na ang mamamatay," seryosong sabi ni Isla.

Mahinang natawa si Kyler kaya pinisil ko ang kamay niya.

"Kaya natin 'to di ba?" determinadong dadgag niya.

Matapang kaming tumango lahat.

"Tayo na."

Maingat ngunit mabilis kaming lumabas. Walang nagsalita sa amin habang binabaybay namin ang madilim na hallway. Gaya ng dati ay napakatahimik ng bahay. Aakalain mong walang nakatira dito dahil maski ingay ng daga ay walang maririnig. Tanging mga yabag lang namin ang umuukupa sa tainga namin.

Nang makababa kami ng hagdan ay saka pasimpleng naghiwalay ang dalawang grupo. Mabibilis, alerto at deretso ang tingin naming tatlo habang binabagtas ang daan papuntang basement. Nasa gitna namin ni Kyler si Ciri na nangangatal na nakahawak sa kahoy.

Tahimik ang hallway at may kadiliman. Nang lumiko kami ay napabulong ako.

"Kyler, tingin ko may sumusunod sa atin."

El AsilóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon