"TAKER nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba diyan?" Ang gulat na sabi ni Mr. Bsarer nang makita si Taker na tila kanina pa nakatayo sa labas ng opisina nito.
"Ahhh... opo. Sinabi kasi ni Michelle sa akin na may meeting daw po kayo kaya hinintay ko na lang po kayo" sabi niya namam.
"Ayyy! Oo! Mga ka-negosiyo ko kasi yun. Bukod kasi sa paggiging manager e may business din ako" pagpapaliwanag naman nito "Anyways, halika na" sabi pa nito.
Hinawakan siya nito sa balikat at naglakad sila palabas.
Mayamaya lang ay napadpad sila sa isang aeena na ngayon ay wala nang tao. Pamilyar na pamilya na ito kay Takwr dahil nga sa fan siya ng WWE ay madalas niyang nakikita ang lugar na ito na punong-puno pa ng tao.
"Kaya kita dito dinala para mailabas mo ang lakas na nKatago diyan sa kaloob-looban mo" sabi nito.
"Po?" Ang gulat na tanong niya.
"Oo, tara..." sabi nito.
At noon ay nagtungo sila sa ring tsaka pumosisyon ng magkaharap.
"Ngayon, hawakan mo ang dalawang kamay ko" sabi nito na agad niya namang sinunod "Ngayon, alalaanin mo ang iyong masalimuot at kagalit-galit na nakaraan. Yung mga oras na malungkot ka" dugtong pa nito.
Sa marinig niya ay bigla na namang dumaloy sa kaniyang ala-ala ang lahat. Kung paano siya paulit-ulit na saktan at bugbugin ni Sam at ang huling mga salita nito sa kaniya bago sila tuluyang nagkahiwalay. Lahat iyon ay malinaw sa kaniyang ala-ala at dala-dala niya pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Kung dati ay takot at ttauma ang kaniyang nararamdaman. Ngayon ay naging kakaibang galit ito. Galit na sa ngayon ay nagbjbigay ng kakaibang lakas sa kaniyang sistema.
"Aaaah!" Naisigaw niya habang ramdam na ramdam niya ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kaniyang katawan.
Mayamaya ay humigpit ng humigpit ang pagkakahawak niya aa mga kamay ng kaniyang kaharap na tila sinasang-ayinan naman nito.
"Sige!" Sabi nito habang siya naman ay tila hindi makontrol ang kaniyang sarili.
Hanggang sa ang simpleng mahigpit na paghawak lamang ay naging isang marahas at galit na kilos.
Samantala ay sinasadya naman ni Mr. Bsarer na magpaubaya kay Taker upang makumpirma kung talagang nagbalik ang lakas nito at sa pagkilos pa nga lang nito ay makumpirma na niya.
Wala siyang ginawa kundi ang sumalag sa galit na mga atake nito...
At halos malula siya nang bubatin siya nito at buong lakas na binalibag sa patambling na posisyon. Mabuti na lamang at isa rin siyang professional wrestler kaya naman sanay na siya saga ganitong balyahan.
Sa kasalukuyan ay nakahiga na siya matapos na maibalibag nito. Samantalang si Taker naman ay tahumik lang na nakatayo habang galit pa din ang awra.
Kaagad na bumwelo siya at bumangon. Nang matagumpay niyang magawa iyon ay tinapik niya ng dalawang beses si Taker sa balikat at nginitian...
"Ikaw na nga talaga 'yan. Welcomeback. Tiyak na magugulat ang publiko sa biglaan mong pagbabalik" sabi niya na may mga ngiti pa sa labi.
*.*
"KAPE ka muna" sabi ni Mr. Bearer kay Taker pagkatapos ng maaksiyon nilang training. Sa kasalukuyan ay nandito na sila sa opisina ni Mr. Bearer at kasalukuyan siyang pinagpapahinga nito bago siya tuluyan na makauwi.
"Naku! Hindi po ako nagkakape" sabi niya at kaagad na nilabas niya ang bote na naglalaman ng gatas na sa Mama Madie niya mismo.
Kaagad na bimuksan niya iyon at tinungga.
YOU ARE READING
BUNSO SERIES
General Fictionito ay nagpapakita ng kakaiba ngunit inspirasiyonal na kwento.