"HOY lampa! Mag-igib ka daw sabi ni Mama!" Utos ni Sam sa kanilang Bunsong kapatid na si Undertakrer o mas kilala sa katawagang Taker.
Sina Marylai, Sam at Taker ay mga anak ni Shirley. Si Marylai ang panganay, pumangalawa si Sam at si Taker naman ang pinakabunso sa kanimang tatlong magkakapatid.
Bata pa lang ay hindi na magkasundo sina Sam at Taker dahil sa dalawang dahulan. Una, lampa si Taker at tigasin naman si Sam. Pangalawq, nagseselos si Sam sapagkat ang gusto niya ay siya lamang ang bunso at umaagaw sa atensiyon ng kaniyang Ate Mary Lai at ng kaniyang Mama.
Kaya naman nang lumabas si Taker ay labis ang kaniyang pagkasuklam dito dahil nay kaagaw na nga siya sa atensiyon ng kaniyang Ate at ina.
Ang kanilang ama nga pala... ayun, nangibang bahay na. Kaya naman sila na lang mag-iina ang talagang magkakasama sa maliit na bahay.
Samantala, dahil nga sa pagkasuklam ni Sam kay Taker ay kaliwa't kanang utos ang kaniyang ipinag-uutos kay Taker. Ang iniuutos sa kaniya nina Shirley at Mary Lai ay ipinapasa niya dito at magsasabi siya na sabi umano ng Mama nila o Ate nila ang ipinagagawa dito nang sa ganoon ay maniwala ito sa kaniya.
Katulad na nga lang ngayon, inutusan siya ni Shirley na mag-igib ng tubig samay poso. Pero sa halip na siya ang gagawa nito ay kay Taker niya ito ipapagawa upang maipadama dito na suklam na suklam siya sa pagdating nito sa kanilang buhay.
"Hoy! Bilisan mo diyan! Ang bagal!" Sabi ni Sam kay Taker na noon ay nagbobomba samay pump well para may lumabas na tubig. Sa kasalukuyan ay isang timba pa lamang ang napupuno nito at ang ikalawa pa lamang ang binobombahan nito.
"O-opo" sabi lamang ni Taker.
"Dalian mo! Marami pa 'to!" Sahi niya "At ikaw din ang magbubuhat ng lahat ng iyan pauwi ha?" Dugtong pa niya.
"Opo Kuya" sagot lamang ni Taket.
Sa buong buhay ni Taker ay sunud-sunuran siya sa kaniyang Kuya Sam dahil alam niya na kapag hindi siya simunod dito ay masasaktan siya sa mga kamay nito. Kada nagkakamali kasi siya ay pinapalo, sinisipa, sinusuntok at nginungudngod siya nito. Kaya naman sinusubukan niyang maging tama dahil para sa kaniya ay iyon lamang ang paraan upang makaligtas siya sa pananakit nito.
Pagkatapos ma-igib ay binuhat ni Taker ang unang timba. Si Sam naman ay tiim bagang lang na nakatingin habang seryoso ang mukha.
"Bilisan mo!" Sabi nito.
"Opo" tanging sagot niya naman.
Ngunit sa di inaasahan ay natisod si Taker at tumapon ang naipon nitong tubig samay timba na bunat-buhat nito na labis namang ikinagalit ni Sam.
"Ppunyeta ka! Tingnan mo! Tingnan mo ang ginawa mo!" Sabi nito sabay inginudngod at sinuntok pa siya nito.
"Ah! Aray! Tama na po Kuya! Hindi ko naman sinasadya e" sabi niya na namimilipit sa sakit habang umiiyak.
"Hindi sinasadya? Hmmmm?!" Sabi naman ni Sam sabay sinuntok ito sa dibdib...
"Ahhh! Huhuhu!" Sabi niya naman na humahagulgol.
Akma sanang bubuhatin siya ni Sam upang ang ulo niya sana ang ipang punas sa tumapong tubig nang biglang...
"Sam! Anong nangyayari diyan? Bakit umiiyak si Bunso?"
Napalingon siya at nakita niya si Mary Lai na nakatayo samay pinto.
"Ahhh... ehhh... ano kasi. Natapon ko ying iniigib ko tapos bigla na lang siyang nadulas. Ang... ang kulit kasi e" sagot naman ni Sam upang makalusot sa pananakit na ginawa kay Taker na noon ay apat na taon pa lang ang edad.
YOU ARE READING
BUNSO SERIES
قصص عامةito ay nagpapakita ng kakaiba ngunit inspirasiyonal na kwento.