Phase 33

327 15 0
                                    

December ended as well as January. It is just a typical day for me but a memorable one because I'm with Cassiel.

"Here, don't open it yet..." I said and placed a medium-sized paper bag on the table.

I'm with Crescendo right now in their rehearsal studio. Cassiel and Giondre are in the kitchen. Nagbebake sila ng cake na para sa akin ngayon. Habang si Junior naman ang kasama kong naglalaro ng chess.

"Woah, woah. Hindi ko pa birthday, ah..." tumatawang sabi ni Sylvanus habang nakatingin sa regalo ko na nilapag sa mesa.

I know, okay? Sa makalawa palang naman pero ayokong laging bitbit saka sigurado na sa mismong kaarawan niya, madaming mga fans ang magbibigay. Ayaw kong makisabay.

"That's why I told you that don't open it yet. Gusto ko lang i-advance..." sambit ko at kinain ang knight ni Junior.

Yes! I'm in a winning track right now. I smirked at Junior who's serious while staring at the board. Nakapalumbaba siya at nag-iisip kung paano makakabawi.

"Buti rineregaluhan mo na ako ngayon? Anong ginawa ni Cassiel sa'yo? Nabilog ka na ba ng tuluyan kaya ang bait bait mo na?" pang-aasar niya kaya inikutan ko ng mata.

"Mabait naman talaga. Nakatago lang..." Junior interjected and made a countermove.

Binigay ko naman ang atensyon sa kung anong piyesa ang isusunod kong igagalaw ngunit itong si Sylvanus grabe kung mang-istorbo!

"Ay, mabait daw. Gustong-gusto na sinasabihan ng mabait yieee. Mababawasan na mga kasama kong mapupunta sa impyerno..." panunukso niya at sinundot ang tagiliran ko gamit ang paa.

What the hell?

"Ano ba? Your foot stinks!" iritado at maarte kong sabi at hinampas ang paa niya. Hindi naman mabaho pero bakit dapat niya munang idikit sa akin iyon?

Hindi niya inilayo kaya hinila ko iyon at inupuan ng madiin. Tinapakan ko ng dalawang beses pagkatapos. He groaned in pain.

"Shit, kapag ako napilay! Ang talim ng pwet mo!" bulgar niyang sabi kaya hinagisan ko ng throw pillow. Tumama sa mukha niya kaya napamura ng mahina. He's really annoying! I don't know why he keeps picking on me.

Tumawa si Junior at napaawang nalang ang bibig ko ng makita ang resulta sa chessboard.

"Checkmate..." he said in triumph.

Pinitik niya ang aking noo dahil iyon ang parusa kapag natalo. Hindi naman kalakasan pero mukhang masakit dahil sa tunog.

Tumingin siya kay Sylvanus at nag-apiran silang dalawa ng palihim. Sabay silang tumawa habang ako ay pinag-aaralan ang ginawa kong galaw kanina. What the? Paano ako natalo?

"That's cheating!" reklamo ko at sinamaan silang dalawa ng tingin.

"Hindi, ah..." giit ni Junior na pasimpleng ngumiti habang inaayos ang mga piyesa sa board.

I'm sure they planned to distract me! These guys are unbelievable. Kaya pala kanina pa ako dinadaldalan nitong si Sylvan. Hindi tuloy ako makapokus. Ito ang kauna-unahang beses na may tumalo sa akin sa larong ito.

"Ayoko na. Dinadaya niyo lang ako," naiinis kong sabi na tinawanan lamang nila ulit.

Tumayo si Sylvan at nagpalit sila ng pwesto ni Junior.

"Tsk, pikon ka naman agad. Ako na ang kalaban mo ngayon. Hindi ka na magugulo dahil hindi ka naman dadaldalan ni Junior..." he said while laughing.

He cracked his knuckles and flicked his finger in his arm.

"Aray. Ang sakit ng pitik ko. Mukhang may mapupuruhan mamaya. Madugong labanan ito. Ihanda mo na noo mo," pagbabanta niya sa akin at tumingin na sa board.

Perennial Blooms (Ciudad de Escalante #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon