Phase 47

394 15 0
                                    

"Ang gulo mo..." I complained and pushed his hand away from my face.

I'm still sleepy because we watched a movie last night. Tapos itong kamay niya, umagang umaga ginugulo ako. He keeps tracing my nose, my lips, eyebrows and poking my cheeks with his finger.

"Let me sleep!" I groaned and turned my back against him.

Tinawanan lamang niya ako. I pouted when he move quickly in the other side of the bed. Nasa harapan ko na naman siya at kahit nakapikit ako, ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Just let me sleep will you?" pakiusap ko at dumilat na.

His gorgeous smile is the first thing I saw the moment I opened my eyes. Tumatama sa mukha niya ang liwanag na galing sa labas. Mukhang kanina pa gising dahil nakapagpalit na ng damit at bagong ligo.

I rubbed my eyes, and he helped me to remove the eye boogers.

"Ganda mo..." he complimented and planted a soft kiss at the top of my head. Hinila niya ako para mas magkadikit kaming dalawa. Ginawa kong unan ang braso niya at sumiksik ako sa kanyang dibdib.

"Kakagising ko lang! Don't do that..." sambit ko at inilayo ang aking ulo.

"Why, hmm?" he said softly and kept sniffing my hair.

"Girls smell different in the morning..." bulong ko at pinilit na matulog dahil antok pa.

"Talaga ba? Parang hindi man," he said.

Bumaba siya ng kaunti at hinalikan naman ng ilang beses ngayon ang hantad kong braso. Hinayaan ko lamang siya. Ngunit binalutan ako ng hiya nang maramdaman ko ang tungki ng kanyang ilong sa may bandang kili-kili.

"Cassiel! What the heck?"

Napaupo ako mula sa pagkakahiga. He smelled my armpit! What the?

"Ang bango..." tumatawang sabi niya at sinundot pa ang kili-kili ko. Gosh, seriously? That's disgusting!

"Kadiri ka!" singhal ko at hinampas siya ng unan.

"Ang bango, isa pa nga..." pang-aasar niya at hinila ako para makahiga ulit. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan sa panlalaban.

"Oh my! Stop! Stop!" Tili ko habang tumatawa nang amuyin niya at halikan pa ng dalawang beses na magkasunod. Mas lalo niyang itinaas at kiniliti ako.

"Dito pala kiliti mo ah..."

He continue to tickle my soft spot. Nahulog na ang comforter at mga unan sa ibaba dahil ang gulo naming dalawa sa kama. Halos mapaos ako sa kakasigaw at kakatawa. Hinihingal ako nang tumigil  siya.

"Ang sama mo! Pinaiyak mo na naman ako..." nanghihina kong sabi at siya ang pumunas sa mga luha ko na kumawala dahil sa kakatawa.

"Hush, I'm sorry, baby. I'm sorry..." kunwaring pag-aalala niya at niyakap ako. I hugged him back again and felt his warmth. I wish we could be like this all day.

Nanatili kaming magkayakap sa maikling minuto. We were like this all night but it always feels new.  Nagkahiwalay lang kami nang magsalita siya para ayain akong kumain na ng almusal.

Cassiel cooked and prepared the breakfast for the two of us. Kahit siya na ang nagluto, sinamahan pa rin niya ako na maghugas at magligpit sa hapag-kainan. Then after that, we went outside to do random things together.

We roamed around the woods; we made a kite, we took some pictures on my Instax, we grilled a chicken and fish for our lunch, we climbed the mountainous part of this place, and many more.

Hindi ako nakaramdam ng pagod kahit ang dami naming ginawa sa unang araw naming magkasama rito. Being with him is like a forever already. Parang hindi natatapos ang oras at hindi kayo mauubusan ng gagawin.

Perennial Blooms (Ciudad de Escalante #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon