Chapter 4: Cardinal, City of Eupharsa
The young lady prepared an iced coffee and macarons on the table. The two of them sitting in front of me.
“Ano bang sadya mo rito, hija?” she starts talking as she offered me their food.
Kinuha ko naman ito at tinikman. Wow! It is delicious! Nagme-melt ito sa dila ko, at hindi ko mawari kong ano ang flavor at lasa nito dahil klase-klaseng dessert ang natitikman ko rito habang nginunguya ko ito! Grabe!
Nilunok ko muna ang kinakain ko saka ko binaling ang aking atensiyon sa babae. “I was just wondering if—” she cut me in mid-sentence.
“Ano? Hindi kita maintindihan hija,” she muttered with her narrowed eyes. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ba sila nakakaintindi ng Ingles? Kaya pala kulang nalang mahulog ang ulo ng bata kanina sa kakatabingi habang nagsasalita ako, hindi pala sila nakakaintindi ng lengguwaheng ‘to.
That child could’ve told me earlier! Tsk.
“Uh, ang sabi ko po... ano po bang klaseng lugar ‘to?” I asked the lady politely. Nakita ko naman kung paano siya natigilan sa pagngunguya ng pagkain niya, saka tumingin ito sa akin na para bang ako ang ipapalit niya sa nginunguya niya ngayon.
Napalunok nalang ako ng sarili kong laway sa aking naisip. Shocks. Sana nama’y hindi!
“Hind mo ba alam kung nasaan ka, hija?” she rebutted me with a question as well.
Ugh! Come on, Fia, think about something that can make the lady tell what kind of world you’ve entered! I am not that smart but an idea suddenly pops into my mind.
“Hindi ko po alam, ate e. Basta pagkagising ko po andito nako sa lugar ninyo,” I lied, picking another piece of macarons on the plate. Wala nang hiya-hiya rito. Nagugutom ako.
“Nakalimutan ko po lahat. Hindi ko na naaalala ang wangis ng aking mga magulang, pati na rin kung ano ang mukha ng aming bahay. Tila yata may masasamang nilalang ang lumusob sa aming bahay at tinangkaan kaming lahat, saka kinuha ang aming memorya gamit ng kanilang kapangyarihan upang kami’y hindi na makabalik sa aming mahal na tahanan!” Para akong abnormal na nagsasalita sa harapan nilang dalawa. Hawak-hawak ang macaroons na kulay dilaw ay ginawa ko iyong parang instrumento, saka parang sumasayaw ako ng doxology sa harapan nila habang nagku-kuwento ng kasinungalingan.
I saw how the lady changes her expression into a mourning one, while the child besides her rolled her eyes. Pasimple ko nga ring inirapan ang batang ‘to kaya hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin.
Akala niya siguro hindi ako pumapatol sa bata. Pfft...
“Ikaw ba ay nakabangga at nabagok ang iyong ulo upang makalimot sa iyong kinagisnan?” she asked curiously. I did not say a thing, I just nodded at her while chewing my delicious macarons.
YOU ARE READING
Wight In Cardinal
FantasyDive into the peculiar odyssey of Fiamiolle Sevilla, an ordinary girl who stumbles upon the extraordinary by sheer chance. From the moment she steps into the unknown, Fiamiolle grapples with the dissonance of being a stranger in a surreal land, year...