Chapter 7: The Truth Untold
I was stunned when Caspian pushed me and got stuck with the student inside the classroom. They are also wearing black uniforms, like me. Anyways, bago ako pumasok dito ay pinabihis muna nila ako, dahil officially student na kuno raw ako at kailangan kong sumunod sa protocol nilang, ‘suotin ang uniporme kapag may klase.’
“Goodbye!” he bid farewell to me. I don’t know, but when he said goodbye, it made my blood boil. Anong good sa ginawa nila? I thought they needed me to find some of the information, so why are they planning to kill me already?!
Napatingin naman ako sa loob ng silid-aralan. Pareho silang nagkakatinginan sa isa’t isa na para bang alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin sa ‘kin. Natakot ako sa mga malalaswang titig ng mga lalaki lalo na sa mga inis na tingin sa ‘kin ng mga babae. I don’t know why they’re all mad at me, but that disgusting look on their faces tells me that I have done something horrible to them.
“Patayin niyo siya,” I squinted when I heard those. What the hell?
Nakita ko naman kung paano sila napangiti dahil sa sinabi no’ng isang babae. She must be their leader or president, I don’t know if may gan’yan sila rito but knowing they have a principal, maybe parehas lang din sa mundo namin ‘yong codes nila rito.
Hinay-hinay naman silang lumapit sa akin, habang ako nama’y paatras ng paatras. Puwede bang papahingahin muna nila ako?!
“Bonum mane, Estudiantes!” All of them halted when they heard someone greet them. A hint of dismay flashed on their faces when they saw their teacher slowly entering their classroom.
“Salve etiam, Miss Krypida!” Halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ko ang history instructor namin. What the hell is she doing here?
“Long time no see, Ms. Sevilla!” she winked at me. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa direksyon ni Ma’am ngunit laking gulat ko nang bigla akong lumutang sa ere.
“Mas maganda po kung itatapon natin ‘tong babaeng ito sa labas, Miss,” nakangising usal ng lalaking nakabangga ko kanina.
That guy, ugh! Siya na naman, why can’t he just leave me alone?
“Ibaba mo siya Mr. Alferez, kung ayaw mong ikaw ang papatawan ko ng parusa!” Mapuwersa naman akong ibinaba ng Alferez daw dahilan para mapangiwi ako sa sakit.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanila e, wala naman akong ginawa para maging gan’yan ang pagtrato nila sa akin! Ako ba ‘yong nagpahirap sa kanila noon ha? Kung tutuosin, hindi pa nga siguro nabuhay ‘tong mga ito sa panahon na iyon e! Pero kung maka-react, parang sila ‘yong nagdusa! Tsk!
“Ms. Sevilla, please take your seat,” Ma’am Buenaverde said. Umupo naman ako sa pinaka-unahang upuan na nasa gilid ng pintuan. Mahirap na baka madali akong mapunterya kapang sa likod nila ako umupo.
I introduced myself to the class, as always when there’s a transferee, which, hindi naman talaga ako transferee, because pinilit lang nila akong pumasok dito. Wait? If Mrs. Buenaverde is here, maybe I can ask her if there’s a secret way we can go back to the human world?
Lumiwanag naman ng mukha ko sa aking naisip. Right! I can probably ask her about that!
Mrs. Buenaverde started her class, and I can’t understand what she was talking about because of the unfamiliar words that she is using. Parang gano’n kanina no’ng dumating siya. On how she greeted her students and how they greeted her back. Hindi ko rin alam kung ano ang sinusulat niya sa ere dahil hindi ko naman ito nakikita, but seems the students next to me can see it. Maybe with the gift of supernatural ability, they can see it. Ang unfair naman sa side ko na hamak na mortal lang.
YOU ARE READING
Wight In Cardinal
FantasyDive into the peculiar odyssey of Fiamiolle Sevilla, an ordinary girl who stumbles upon the extraordinary by sheer chance. From the moment she steps into the unknown, Fiamiolle grapples with the dissonance of being a stranger in a surreal land, year...