Chapter 2

15 8 3
                                    

Nasa ganoong posisyon ako ng maabutan ni Bunny, ang beshie kong baklita.

"Bakla, narinig mo ba ang news? Kalerki, si Papa Calvin daw may jowakels na iba. Gagi, model ---"

Napatigil si Bunny sa monologue nya ng mapansin na wala akong imik.

"Hala, what happened with your feslaks? Umiiyak ka ba?"

Hinawakan nya pa ang baba ko at sinuri ang mukha ko.

"Anyare sayo? Tingnan mo yang eyebags mo, ang laki-laki. Ang chaka mo na. O ayan, ano yan? Luha ba yan?"

Tinampal ko ang kamay nya na tinataas-taas pa ang ulo ko na parang inaalog.

"Hindi, hindi. Tumatawa ako Bunny har har. Nakita mo ng may luha, nagtatanong ka pa"

Bulyaw ko sabay irap sa kanya. Di pa ba obvious na umiiyak ako? Sawing-sawi ako sa pag-ibig, kaya alangan namang tumawa ako.

"Ay, sorry naman. Di ka kasi magaling umiyak. Akala ko nag-iinarte ka lang."

Hindi ko pinansin ang komento nya at nagpatuloy sa pag-iyak. Bakit ba kasi ako pinagpalit? Ano bang kulang?

"Hoy, ano ba Sofia. Umayos ka nga. Nag-usap na ba kayo ni Fafa Calvin? Ansabe nya?"

"Huhuhu bakla, may iba na syang jowa. Nakita ko na nagchuchuk-chakan sila huhuhu"

Agad na nagtaas ng isang kilay si Bunny sa sinabi ko.

"Nakita mo? Paano aber? Baka gawa-gawa lang, alam ---"

Hindi ko na sya pinatapos at hinampas ko ng malakas ang braso nya. Aba't pinagtatanggol nya pa yung hayop na yon.

"Awwts Mami. Bakit ka nanghahampas?"

Hinimas-himas nya ang parte ng braso nya na pinalo ko. Ayan kasi, ipagtanggol mo pa yung hayop na yon.

"Tumawag ako Buns para mag-usap kami pero ibang babae ang sumagot. Si V-veronica."

Huminto ako saglit para huminga ng malalim. Parang naninikip ang dibdib ko habang unti-unting nagfaflashback ang senaryo kanina. Naiyak na naman ako at nakita ko si Bunny na nakatingin lang. Hindi sya nag-komento at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Tapos tinanong ko kung nasaan si Calvin, sabi nya busy daw. Tapos inaya nya akong magvideo call. Syempre pumayag ako. Gag*, tinapat nya kay Calvin ang camera tapos may ginagawa syang milagro sa binti ni Veronica. Tangn* nilang dalawa."

Humagulgol na ako ng tuluyan. Ang sakit-sakit ng ginawa nila. Akala ko mahal nya ako, pero bakit may ganung eksena? Bwesit talaga at naloko nila ako. Ang tanga tanga ko at naniwala ako sa kanya!

Lumapit naman si Bunny at niyakap ako.

"Ay naku bakla. Ayos lang yan. Marami pa namang mas gwapo at delicious kesa kay Calvin. Ipapakilala na lang kita. Kaya 'wag ka ng umiyak dyan. Lalo kang pumapangit."

Inambahan ko sya ng suntok pero naka-ilag ang loka. Di ba nya nakitang nageemo ako?

"Kung sabagay, di natin masusugod yung higad na si Veronica dahil marami syang alipores, pero hindi ibig sabihin na di natin sya pwedeng gantihan."

Huh? Ano naman kayang binabalak ng baklita na 'to? Mukang di maganda ang kutob ko.

"Simple lang ang gagawin mo, mag-vc ulit kayo tapos syempre baka di pa sila tapos mag-anuhan. Record mo tapos i-post natin sa net. Aba, di pwedeng ikaw lang ang sawi."

Binatukan ko sya dahil sa suggestion nya. Gusto nya pang ipaulit yung scene kanina. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"Nababaliw ka na ba? Edi pinakulong tayo nun kapag nalaman nya na sakin galing yung video. Gagawin mo pa akong kriminal."

Tama naman si Bunny. Gustuhin ko mang sugurin yung higad at hayop kong ex, hindi naman pwede. Siguradong maraming bodyguards yon at di kami makakalapit. Mabubugbog pa ang beauty ko kapag nagpumulit ako. Sawi na nga ako, tapos papangit pa. Tss, sobra naman ata yon.

"Bakit may naiisip ka bang ibang paraan para makaganti tayo sa kanila? Aba't lintik lang ang walang ganti grr!"

Nag-posing pa sya na animo'y pusa na mangangalmot. Tsk, sino bang hindi matatakot sa pagkahaba-haba nyang mga kuko? Di ko nga alam kung paano sya nakakakilos dahil dyan ehh.

"Anyway, saka na natin isipin yan Girl. Bar na lang tayo. Tapos ipapakilala kita sa mga Fafa doon para makalimutan mo na yang tarantadong Calvin na yan. Di bagay sayo maging luhaan. Muka kang kambing na nanganganak."

Binato ko sa kanya ang unan na nahawakan ko. Aba't talagang swerte ang bakla, dahil sa pangalawang pagkakataon, nakaiwas na naman. Grr! Ginagalit nya talaga ako.

Tawa ng tawa ang baklita at kembot-kembot pang naglakad papuntang kusina. May araw ka rin sakin.

Tumayo na lang ako at itinigil na ang pagsesenti. Wala rin namang patutunguhan ang pag-iyak ko. Kinuha ko na lang ang walis at nagsimulang linisin ang nabasag na baso kanina. Hmm, magandang idea nga ang pagpunta sa bar para makalimot. Magpapakalunod ako sa alak at sasayaw na parang walang bukas. Yes! I'm single and I'm free.

Never Kissed An Engineer [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon