Chapter 3

11 8 6
                                    

Nag-desisyon kami ni Bunny na pumunta sa Clandestine Bar para i-celebrate ang pagiging single ko daw. Hindi ko naman kinakatuwa na single na ulit ako pero leche talaga yung Calvin at Veronica na yon. 

"Haler, Mader! Wazzupp with your feslaks? Where here para mag-saya, hindi para mag-luksa."  Madramang sabi ni Bunny sabay alog sa akin.

"Hindi ko naman kasalanan na gusto mo dito." Inis na sabi ko sabay ayos sa damit ko na medyo nalukot sa pag-alog nya. 

"Duh! Nasa bar tayo na pang-mayaman kaya dapat umayos ka. Maraming Fafa dito na mas hot at mayaman kay Calvin. Walang lalapit sa'yo kapag ganyan ka." Sagot nya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Bakit ba kasi tayo dito pumunta? Aba, isang buwan kong sweldo ang isang gabi dito!" Eksaherado kong sabi.

Kung hindi nyo nalalaman, ang Clandestine ay pag-aari ng mga Valderama.  Sila ang pinaka-mayaman at ma-impluwensyang pamilya dito sa Barcelona, at maging sa buong probinsya ng Sorsogon. Halos mga anak ng politiko, negosyante, at mga popular na celebrity lang ang nakakapasok dito. Gaya ng sabi ko kanina, ang isang bote ng alak dito ay halos 40k ang presyo. Take note, pinaka-mababang presyo lang yon.

Jusko! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Bunny. Baka hindi kami makalabas ng buhay dito kapag hindi kami nakapag-bayad. Wait, bakit nga pala kami pinapasok dito in the first place? 

"Bunny, paano---" Natigil ako sa pagsasalita dahil wala na pala kong kausap. Gaano ba ako katagal nag-space out at hindi ko namalayan na umalis na pala sya?

Hala! Nasaan na yon? 

Naghintay ako saglit sa kinatatayuan ko at baka may kinausap lang, ngunit lumpas ang ilang miunto at walang dumarating. Oh no!

Grr, sasabunutan ko talaga yang baklitang yan! 

Luminga-linga ako para hanapin ang mahaderang bakla. Tsk, sobrang excited ba sya sa boys para iwan ako? Huhuhu wala pa naman akong kakilala dito.

"Chill ka lang Sofia," wika ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng mag-hysterical sa harap ng mga mayayaman.

Para hindi ako mag-mukhang tanga, lumapit ako sa may bar stool para umupo. Mas mabuting dito ako mag-isip. Agad akong nilapitan ng bartender para alokin ng inumin. Nag-wave ako ng kamay para sumenyas na hindi ako oorder. Hmp, wala akong pera at kung meron man, sayang pera. Ano yan, ginto?

Nagtingin-tingin ako sa paligid at baka makita ko si Bunny, pero missing in action pa rin si Bakla.

Anong gagawin ko ngayon? Wala naman akong kakilala dito at kahit gustuhin ko man na maglasing, di ko afford. Mukhang mas nakakaiyak pa ang sitwasyon ko ngayon kesa nung nakita ko si Calvin at Veronica na nag-aanuhan huhuhu 

"Good evening, Miss. What do you wish to order?" 

"Ay, Bakla!" Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat ko. Sa lakas ng boses ko, napalingon sa akin ang ibang customer na malapit sa kinauupuan ko kaya yumuko na lang ako dahil nakakahiya. 

"Miss, I'm not gay." Matigas na ingles ng bartender na nasa likod ko. Siguradong may lahing foreigner ito dahil sa pagsasalita. Pero, che! 'Di tayo bati, hmp!

"Psh!" Inirapan ko lang sya at hindi pinansin. Napaka-epal nitong bartender na ito. 

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung nag-text o tumawag si Bunny. But to my disappointment, zero text and calls. Dinial ko ang number nya at ang bilis ng sagot.

"Sorry, you do not have enough load in your account. Please reload immediately."

Bwesit! Bakit yung mga mahihirap na karakter na napapanod ko kapag tumatawag sila laging may load? Yung tipong walang pera pero naka-flip phone. Tss, sa tv nga lang pala yon nangyayari.

Never Kissed An Engineer [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon