Ikalawang Kabanata

0 0 0
                                    


       Ikalawang Kabanata

Ikalawang araw ng disyembre,maaga akong nagising dahil kailangan ko pang pumasok sa paaralan.
Nadatnan kung naghuhugas ng plato si nanay,at nang maramdaman niya ang presensiya ko ay isenenyas niya ang lamesa.
Napasulyap ako sa kanilang kwarto bago umupo upang kumain. Hindi ko na narinig ang boses kagabi ni tatay dahil sa lalim ng aking tulog.
Pero umuwi nga ba si tatay?nakakapanibago kasing hindi ko pa siya nakikita sa hapag upang kumain ng almusal dahil maaga pa siya sa kanyang trabaho ngayon.
Magtatanong sana ako kay nanay pero agad na itong lumabas ng kusina pagkatapos ng kanyang ginagawa at hindi na bumalik.
Niligpit at hinugasan ko ang aking pinagkainan bago nag ayos ng sarili upang pumasok na sa paaralan.

"Nay,alis na po ako."nagmano ako sa kanya. Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa.

Sumalubong sa akin ang malamyos na hanging amihan,talaga ngang kakaiba ang buwan ng kapaskuhan.
Napangiti ako ng makita ang mga Christmas decor ng aming kapitbahay,ang iba naman ay nagkakabit at nag aayos pa lang.
Napatingin ako sa bahay nina mang kaloy,napangiti nalang ako ng makita ang pagyakap niya sa kanyang asawa ngunit,agad ding napawi ang ngiti ng maalala ang sariling pamilya.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat parin ako sa buhay na meron kami,Hindi man marangya ngunit,Hindi rin gaanong mahirap.
Sapat nang nakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Lasinggero si tatay pero ni minsan ay hindi niya pa kami pinagbuhatan ng kamay.
Pero sa tuwing naalala ko ang nangyari kay nanay kahapon ay hindi ko maiwasang isipin na sinaktan nga siya ni tatay.
Sana naman hindi.

Malapit lang eskwelahan kaya kahit naglalakad ako ay hindi rin naman ako pinawisan at napagod.
Nag aaral ako sa isang pampublikong paaralan kung saan din nag aral ng hayskul si kuya Kyloe noon.
Mas lalong mararamdaman ang diwa ng kapaskuhan sa mismong gate palang ng paaralan.
Nakatayo na ang pinakamalaking Christmas tree na tanaw sa labas,at kahit sa man tumingin ay madarama mo ang papalapit ng kapanakan ni Kristo.

"Thea,punta raw muna tayo kay miss Aragon."si Deva ng papalapit na ako sa pathway.

"Ano raw gagawin?"nakisabay ako sa kanya papunta sa faculty's room.

"Hindi ko rin alam eh,dalawa lang tayo ang pinapatawag."

Tumango lang ako at hindi na nagsalita,lumiko kami sa kanang bahagi kung nasaan ang silid ng mga guro.

"Goodmorning ma'am/sir."sabay na bati namin ni Deva,tumango lang ang ibang guro ang iba naman ay nagpatuloy lang sa kung anong ginagawa,ngumiti si miss Aragon kaya dumiretso na kami sa mesa niya.

"I want you two, to look for the class of Mr.Galmar.
Absent siya ngayon kaya nanghingi siya ng permiso sakin na kung pwede ay kayong dalawa muna ang magbabantay sa klase niya."

Napatango nalang kami ni Deva at wala ng nagawa pa.
Sakto lang ang guro sa paaralang ito kaya kung may absent na isa ay nanghihiram sila ng estudyante upang magbantay sa kanilang klase dahil may iniiwan namang seatwork.
Ngunit ang mga kinukuha lang nilang estudyante ay ang mga nangunguna O may honor's katulad naming dalawa ni Deva,siya ang nangunguna sa klase at pumapangalawa naman ako.
Nung tumuntong ako sa hayskul ay nagsikap akong magkaroon ng mataas na grado upang maging  iskolar pagdating sa kolehiyo katulad ni kuya,Pero si kuya Kyloe ay hindi na kailangan ng mataas na grado dahil magaling siya sa isports na basketball.
Buong araw kaming mamalagi sa  klase ni Mr.Galmar,at ang bawat subject topic na itinuro sa klase namin ngayon ay magkakaroon ng soft copy na ibibigay samin.
Excuse kami sa lahat ng activity at quizzes dahilan kung bakit panatag ang loob kung pumayag at isa pa wala rin naman kaming magagawa.

"Ang sarap nanaman ng buhay natin ngayon."tumalon talon pa si Deva habang paakyat kami sa second floor kung nasaan ang klase ni Mr.Galmar.
4th year ang babantayan namin at hindi ko alam kung paano aakto sa harap ng mga estudyanteng mas matanda pa sakin.
Hindi ako magaling makipag usap at isa yun sa mga dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan.
Taliwas naman ni Deva,isa pa ito ang kauna unahang makapagbantay ako ng fourth year dahil puro grade seven at eight palang ang parati kung nababantayan.

"Dev,kinakabahan ako."nasa harap na kami kanilang classroom,napakaingay at samot saring salita ang maririnig.
May narinig pa akong nagmura.

"Asus,ako ng bahala ok?trust me."kumindat pa sakin si Deva bago tuluyang pumasok sa loob.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya,tumahimik ang lahat dahil sa biglaang pagpasok namin.
Bumati si Deva,ako naman ay nakayuko parin.

"Uy,ikaw na sa attendance oh,isusulat ko lang to."

Agad akong pumunta sa mesa at gamit ang nangiginig na kamay ay dinampot ko ang attendance sheet at ballpen bago nagsimulang magtawag.
Si Deva naman ay nagsimula naring magsulat sa board,may narinig pa akong umalma sa likuran pero agad ding tumahimik ng sitahin ni ate Kyle ang presidente ng klase.

"Carl Vincent Almazan?"
Napatanga ako sa kanila ng walang sumagot,Hindi ko kilala ang lalaking ito kaya hindi ko alam kung totoong absent ba o tamad lang talaga siyang sumagot.

"Carl Vincent Almazan?"
Ulit ko pero wala paring sumagot kaya minarkahan ko na ng absent.
Inilapag ko ang hawak at umupo sa nakahandang upuan.
Naging payapa naman ang klase at nairaos namin ang araw ng walang gulo sa tulong narin ni ate Kyle.
Palabas na kami ng gate,dahil sa maliit ito ay nagsiksikan pa kami sa paglabas.
Nagpahuli ako dahil unti unti kung naramdaman ang paghirap ng paghinga.
Tumayo muna ako sa gilid at nag antay na maubos ang mga estudyante.
Dahan dahan akong naglakad dahil kunti nalang ang mga estudyante.
Halos mabitawan ko ang librong dala ng may biglang naka motor na sumulpot sa tabi ko.
Hawak ko ang dibdib sa sobrang kaba at sa sobrang gulat ay hindi ako nakapagsalita.
Nakatingin lang ako sa lalaking nakasakay sa isang mataas na motorsiklo na animo'y makikipagkarera,nakasuot siya ng helmet ngunit base sa suot na uniporme ay lalaki ito.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman,dahan dahang bumagal ang aking paghinga  at naramdaman ko nalang na bumagsak na ako sa lupa.

ang Ika- 25 araw ng DisyembreWhere stories live. Discover now