Ikatlong Kabanata"Ano Ida huh?nag iinarte nanaman ba iyang anak mo?
Aba'y dalawang araw ng nakahiga iyan riyan ah!""Wala kana talagang pakialam sa mga anak mo Leonardo.
May sakit ang anak mo,mahina ang puso ni Christina.""Asus nag iinarte lang ang batang yan.
Maiwan ko na nga kayo at may trabaho pa ako.
Dagdag nanaman sa gastusin."Kahit nanghihina ay pilit kung idinilat ang mata.
Dahan dahan kung iginala sa paligid nagbabakasakaling makikita si nanay pero wala siya.
Pero kani kanina lang ay naririnig kung nag uusap sila ni tatay ah.
Kinapa ko ang dibdib,habang unti unting umaagos ang aking luha.
Kung kelan kailangan ako ni nanay saka naman bumalik ang pesteng sakit ko."Wag mo nang dalhin sa ospital yan at wala akong panggastos diyan."
Halos manigas ako sa kinahihigaan ng marinig ang bilin ni tatay,totoo ngang nag away sila ni nanay.
Dahan dahan akong bumangon at umupo sa kama,napasulyap ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding.
Ikaapat na araw na pala ng disyembre,tama nga si tatay at dalawang araw akong walang malay at nakahiga lang dito sa kama.
Napabuntong hininga ako at hindi maiwasang magalit sa sarili.
Bakit ngayon pa?
Bat ngayon pa kung kelan andami kung gustong gawin.
Narinig ko ang mga yapak ni nanay kaya nagmamadali kung inayos ang sarili at bumalik sa pagkakahiga."Anak,ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ko.
Napatingin ako sa mukhang niyang bakas ang pagod at puyat.
Pasensya na nay,nagiging walang silbi na naman ako.
Tumalikod ako sa kanya upang itago ang luhang walang hinto sa pag agos.
Sandali siyang nanatili kaya wala akong nagawa kundi pigilan ang hikbi.
Narinig ko siyang napa buntong hininga saka ako kinumutan bago lumabas na ng silid."Pasensya na nay kung pabigat ako at dagdag pa sa poproblemahin niyo."
Pinunasan ko ang aking luha at tumulala sa kisame.
Kailangan kung maging malakas para mabuhay.
Kailangan kung maging malakas para sa amin ni nanay,para sa mga pangarap ko.
Pero papaano?Alam kung malala na tong sakit ko at ang tanging makakapag pagaling sakin ay kung magkakaroon ako ng heart donor.
Dalawang taon narin ang lumipas simula nung huling check up ko.
May butas ang aking puso at habang tumatagal ay lumalaki ito na nagpapalala sa nararamdaman ko.
Wala kaming nahanap na donor noon kaya hindi natuloy ang operasyon.
Ngayon ba magkakaroon ako?
May tao bang handang isakripisyo ang kanyang buhay para madugtungan ang buhay ko?
O baka hanggang dito nalang talaga ako,baka ito nalang talaga ang buhay na meron ako.
Napahikbi ako at buong araw nalang na nagkulong sa kwarto.Nang maghapunan ay narinig kung kausap ni nanay si kuya.
"Bat ka uuwi Kyloe?"rinig na rinig ko ang iritasyon sa boses ni nanay.
Napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa gawi niya.
Nakasandal siya sa lababo,ang isang kamay ang may hawak ng telepono ang isa naman ay nagmamasahe sa sentido niya."Ayos lang ang kapa-
napatigil siya sa pagsasalita ng mapansin na nakatingin ako.
Ngumiti ako sa kanya at naiintindihan kung bakit siya nagsisinungaling kay kuya."Ayos lang ako kuya,nagulat lang.
Alam mo na."
Sigaw ko upang marinig niya,umiling si nanay at hindi na nakapagsalita.
Nagpatuloy ako sa pagkain kahit unti unti kung nararamdaman ang kirot sa aking dibdib,dahil sa aking pagsigaw.
Kumain narin si nanay at siya na ang nagpresintang maghuhugas ng aming pinagkainan,sumang ayon naman ako dahil kailangan ko pang pumasok bukas.Katulad ng nakasanayan ay maaga akong nagising.
Pero hanggang kelan?
Hanggang pasko ba ay maaga parin akong gigising o matutulog nalang ako hanggang sa susunod at susunod pang pasko.
Umiling ako sa sarili at nagpatuloy na,kailangan kung lumaban kahit hanggang pasko lang.
Kailangan ko munang tulungan si nanay,gusto ko pang makita si kuyang magtatapos at maging isang ganap na engineer.
Gusto ko pang pumunta sa amerika at maglibot sa mga magagandang tanawin doon.
Isinukbit ko ang backpack sa balikat at ngumiti habang nakatayo sa harap ng salamin.
Kaya ko pa.
Kakayanin ko pa.
Kakayanin ko pa naman.Pag aalala ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa classroom.
Ngumiti nalang ako sa kanila at umaktong walang iniinda kahit ramdam ko ang mayat mayang pagkirot ng aking dibdib."Gago talaga ang lalaking yun.
Alam niyang andami pang estudyante makikisabay eh naka motor na nga."Si Edo na ang tinutukoy ay ang lalaki nung nakaraang araw.
"Hindi niya naman alam na may sakit ako."
Umayos ako ng upo ng matanaw si ma'am.
Kung ano ano pang binubulong ng grupo ni Edo sa likuran,narinig ko pang bubugbugin raw nila yung lalaking nanggulat sakin kapag nakilala nila.Kinamusta ako ni ma'am at katulad ng nakasanayan kung sagot ang naging sagot ko.
Hindi gaanon karami ang mga topics at quizes na kailangan kung habulin,pero dahil hindi sapat sakin ang ang katamtamang grado ay nanghingi parin ako ng projects.
Kailangan kung magsipag dahil hindi ko alam kung hanggang kelan ako manatili sa paaralang ito.
Ni hindi ko nga alam kung hanggang kelan ba talaga ang buhay ko.
Kung aabot pa ba ako bukas o sa susunod na araw,basta ang importante hanggat nakakahinga pa ako ng maayos ay mag aaral ako.Magkasabay kaming nag tanghalian nina Deva at Nicole.
Masaya akong kahit papaano ay nagkaroon parin ako ng kaibigan,ni hindi ko nga maintindihan kung bakit ako isinama nina Deva basta ang importante masaya ako at bukal naman sa loob nila na isama ako.Pait akong ngumiti ng matanaw habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng palakad lakad.
Hindi ko mapigilang maisip kung gaano sila kaswerte.
Anong kayang pakiramdam ng pinanganak ng madaming Pera,ung tipong nangggaling ka sa marangyang pamilya.
Ung nabibili lahat ng gusto mo,at higit sa lahat ung maiipagamot mo ang sarili mo sa ibang bansa kung kinakailangan."Uy,ayos ka lang?umiiyak ka ah!"
Pinahid ko ang luha kung Hindi ko naramdamang umaagos na pala.
Maging si Nicole ay napatingin sa akin dahil sa tanong ni Deva.
Napabuntong hininga ako habang nagpangalumbaba sa mesa,kanina pa kaming tapos kumain pero dahil gusto kung tumambay muna ay nanatili kami."Bakit ako?"
Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ako pa yung may pesteng sakit na ganto?
Bakit sa dinami dami ng taong nabubuhay rito ay sakin pa binigay ang sakit na to?
Naging mabuti naman ako ah!masunurin mapagmahal.
Magalang at higit sa lahat may pangarap sa buhay.
Andami ko pang gustong gawin pero papaano?
Papaano ko gagawin ang lahat ng yun kung limitado lang ang magiging kilos ko?
Paano ang pangarap ko kung hindi ko sigurado kung hanggang kelan lang ang buhay na meron ako.Umiling ang dalawang kaharap,Hindi malaman kung anong isasagot.
Napabuntong hininga ako at umiling nalang.
Siguro nga ay walang kasagutan ang lahat at puro pasakit lang."May binubugbog raw sa likod ng classroom ng fourth year."