Ika-apat na Kabanata"Anak,huwag ka ng sumama.
Magpahinga ka nalang dito sa bahay."Umiling ako at binitbit parin ang bayong.
Sabado ngayon kaya magtitinda ng mga gulay sa palengke si nanay."Ayos lang ho ako nay,Hindi naman ako papayag na magpatalo sa pesteng sakit na to noh!"
Imbes na tuluyang makumbinsi ay sinamaan lang ako ng tingin ni nanay.
Napayuko nalang ako at hindi na nagsalita pa."Bukas na bukas rin ay mag papacheck up tayo."
Gulat akong napa angat ng tingin sa kanya,nakaramdam ako ng tuwa,halos patakbo ko pa siyang yakapin kahit halos magkaharap lang naman kami.
Mag papacheck up na ulit ako!"Kaya kailangan mong magpahinga dahil luluwas tayo ng manila bukas."
Literal na napanganga ako at nanlaki ang matang nakatingin kay nanay.
Maynila?magma maynila kami?
Mapapahiyaw na sana ako sa tuwa ng maalala ang antas ng buhay na meron kami.
Alam kung masyadong mahirap sa maynila dahil si kuya Kyloe mismo ang nagkwento kaya papaano kami mabubuhay roon?
Halos manlumo ako sa isiping kay kuya na naman kami manggugulo.
Alam kung busy si kuya at kung darating pa kami roon ay makakadagdag lang kami sa iisipin niya."Wag na po nating abalahin si kuya nay.
Ayos naman po ak----"Ayos?Alam ko kung anong nararamdaman mo Christina kaya wag ka ng magsinungaling pa."
Napayuko ako sa lakas ng boses niya.
Ito ang kauna unahang sinigawan niya ako kaya hindi ko mapigilang maluha.
Sanay akong nakakarinig ng mga masasakit na salita mula kay tatay pero hindi kailanman kay nanay.
Umiling ako habang humihikbi.
Bakit ang hirap ng sitwasyong binigay sakin?
Parati kung naririnig sa mga nakakatanda ang kasabihang "lahat ng nangyayari ay may dahilan."kapag ba malalampasan ko to malalaman ko kung bakit kailangan kung magkasakit?
Kapag ba nagkaroon ako ng heart donor at matapos ang operasyon ay
malalaman ko kung bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo ay ako pa ang may gantong sakit?
Malalaman ko ba kung bakit sakin napunta ang pesteng sakit na to?
Pakiramdam ko naman ay hindi. Dahil pakiramdam ko ay
hindi ko na maabutan ang kasagutan,dahil kahit takot akong aminin sa sarili ay alam kung malapit na aking katapusan.Hindi na ako nagpumilit na sumama at nagpaiwan na lamang ako sa bahay gaya ng gusto ni nanay.
Hindi ko na naabutang nag aalmusal si tatay kahit parati naman akong maagang nagigising.
Teka umuuwi pa ba siya?
Napatingin ako sa kalendaryo at napaisip,Hindi ko maintindihan kung bakit araw araw kung gustong makita ang mga numero sa kalendaryo.
Alam ko na ang araw at petsa pero nangangati parin akong tingnan ito.Ikalimang araw na pala ng disyembre,Hindi na talaga papaawat ang pasko at talagang nagmamadali ito.
Nilibot ko ang paningin sa buong bahay,Wala ni anumang hudyat at nagpaparamdam na disyembre na.
Kahit ang aming Christmas tree ay nakatago pa.
Tumayo ako at nag inat,umihip ang hanging amihan at isinayaw ang aking buhok.
Napangiti nalang ako sa sariling naisip.Naka pamewang akong nakatanaw sa paligid ng bahay.
Halos mag aapat na oras din akong nag ayos at nagkabit ng aming Christmas decors,masaya akong tinanaw ang may kalakihang Christmas tree na nakatayo sa tabi ng aming tv.
Hindi ko akalaing ganto pala ang pakiramdam ng may natatapos na isang bagay.
Andami ko ng nagawa pero ito ang kauna unahang bagay na natapos kung nakaramdam ako ng sobrang tuwa.Nagluto ako ng tanghalian,siguro ay matumal ang benta kaya hindi pa nakakauwi si nanay.
Ngunit natapos ko ng lahat ay wala parin siya kaya medyo nakakabahala na.
Naligo ako at inayos ang sarili bago umalis ng bahay upang sundan si nanay,malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
Napagpasiyahan kung maglakad nalang dahil sayang pa ang perang pamasahe ko,kailangan kung magtipid dahil kung talagang matutuloy kami sa maynila ay siguradong malaking ambag na ang kinse pesos.
Narating ko ang bayan ng medyo pawisan dahil sa sobrang init,malakas parin ang kabog ng dibdib ko na nagpatigil sa akin.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid,halos hindi magkandauga ang mga tao,mapa mamimili man o nagtitinda.
Naglakad ako papunta sa pwesto ng mga nagtitinda ng gulay kung nasaan si nanay."Oh!andito na ang anak."
"Mukha namang walang alam yan."
Nakarinig ako ng bulungan habang naglalakad.
Tingin din ng tingin ang mga tindera at tinderong nadadaananan ko na nagpa dagdag ng kabog ng dibdib ko.
May mga kababata ko pang iniismiran ako di pa man ako nakakalapit.
Ano bang problema nang mga to?
Nagulat ako ng matanaw ang mga taong nagkukumpulan malapit sa pwesto ni nanay,nagmamadali akong lumapit.
Papalapit na ako ng agad na humarang si Deva na ikinabigla ko."Nahuli na nina Edo ung lalaking nanggulat sayo."
Masayang balita niya na ikina bagsak ng balikat ko,nakaramdam ako ng awa sa hindi ko malamang dahilan.
Sa ingay ng paligid ay parang gusto ko nalang lumabas ng palengke upang makapag usap kami ng maayos.
May nagsigawan kaya napabaling ang atensyon ko sa harap, saka ko lang naalala ang mga nagkukumpulang tao malapit sa pwesto ni nanay."Halika puntahin natin ung damuhong na yun.
Hawak siya nina Edo ngayon.""Dev. Sandali lang pupu----
"Kailangan nating puntahan sina Edo baka kung ano ng ginawa nila sa lalaking yun."
Hinila na ako ni Deva palabas ng palengke,lumingon pa ako sa mga nagkukumpulang tao halata namang may nag aaway roon.
Pero sino naman at bakit pinapanuod lang nila?
Wala ba silang balak awatin?
Nakalabas na kami ng palengke,tuloy tuloy lang si Deva sa paghila sakin na tiyak kung papunta kami sa bahay nina Edo.
Agad akong nakaramdam ng kaba,mabuti at sa wakas ay binitawan niya narin ako dahil sumasakit narin ang pala pulsuhan ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya."Anong ginawa nina Edo dun sa lalaki?"
Papasok na kami ng lumang gate,ilang beses na kaming nakakapunta rito sa bahay nina Edo kaya alam na namin ang pasikot sikot,nasisiguro ko ring wala ang mga magulang ni Edo rito dahil nakagawa na naman ito ng kalukuhan.
Hindi sumagot si Deva,tuloy tuloy lang siyang naglakad patungo sa likod bahay kaya sumunod nalang din ako."Muntik mo na siyang sagasaan.
May sakit yung tao pre."Rinig ko ang malakas na sigaw ni Edo,kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Ano bang ginagawa nila?"Mag sorry ka lang.
un lang yung gusto namin pero ayaw mo pa."Gulat ako ng makita ang ayos nila sa loob ng bodega.
May isang lalaking naka upo sa mono block at nakagapos ito.
Sina Edo naman ay nakapalibot na tila handang sakmalin ang lalaki.
Agad akong nakaramdam ng awa,nakayuko lang ang lalaki at tila hirap na hirap na."Itigil niyo na nga yan.
Hindi niya naman sinsadya ano ba!"Nagpapanic akong lumapit at handa ng kalagan ang lalaki ng magsalita ito na ikina tigil ko.
"Tss,you marked me absent.
Yuo pay for this."