Cleo's POV
A BAD SHOT TURNED INTO A GOOD SHOT.
I don't know what happened but things just moved so fast. And now i am here sitting in a bench watching that man who gives me creeps in my heart, playing basketball.
Oh we're not on school, nandito ako sa court para panuorin ang liga nila, he invited me to watch him play and win i guess? Because that's what he said and he's really good in that sport.
Habang tutok ang aking mga mata ay tumunog ang aking cellphone, it's my brother.
Conor's Calling...
I just sighed and finally answered it after rejecting his calls multiple times.
"Himala sinagot mo?"- napa-layo ako sa phone dahil sa nakakabinging boses niya.
"Kuya pwede pakihinaan ng boses mo."- medyo irita kong saad dito, narinig ko namang nagbuntong-hininga ito.
"So... Hanggang kai---"- pinutol ko na ang balak niyang sasabihin dahil ilang ulit niya na itong pinapaalala sa akin.
"Ayang topic na naman ba tayo Kuya? Wala na bang iba?"- walang gana kong sambit. At itinuon ang aking tingin sa mga naglalaro.
"I'm just reminding you, kapatid kita at ayokong masaktan ka."- medyo napalakas na naman ang boses niya pero hindi ko na pinag-tuusan ng pansin dahil napansin kong tapos na ang laro at papalapit na sa akin si Juanpa.
"Bye Kuya! Uwi din ako mamaya."- hindi ko na ito hinintay sumagot at ibinaba na ang tawag.
"Thanks bro see you next game! Congrats to us!"- masayang sambit ng ka-team ni Juanpa at naki-high five pa ito bago umalis.
Pawis na pawis ang lalaking palapit sa akin habang hapit ang suot nitong jersey at nakapaskil ang ngiti sa kaniyang gwapong mukha. Sobrang perfect sa kaniya ang style na buzz cut pero hindi iyon kailangan sa kaniya dahil gwapo na siya masyado. Hindi ko namalayan na sa mismong harapan ko na siya at agad na nag-iwas ng tingin at kinabahan dahil saktong tumapat ang mukha ko sa shorts niya. Dahil hagdan paakyat ang style ng upuan sa bench.
"Ah.. Here's the towel."- walang tingin ko namang iniabot ang towel sa kaniya at napansing hindi niya pa ito kinukuha kaya tumingin ako dito at nag-tama ang aming mga mata pero agad ko itong inalis at marahang hinagis sa kaniya ito at nakangisi ang isinagot niya sa akin. Napa-inom na lamang ako ng tubig dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Tumigil ka pakiusap, at baka mahalata niya.
Pumikit ako at huminga ng sobrang lalim at sabay harap sa kaniya pero na-estatwa ako ng mabungaran ang hubad niyang katawan habang siya'y nagpupunas ng kaniyang pawis. Para namang luminaw ng sobra at dumikit ang aking paningin sa aking nakikita, itinaas niya ang kanang braso niya at nakita ko ang mga buhok sa kaniyang maputing kili-kili habang pinupunasan niya ito, napalunok naman ako dahil sa temptasyon na aking nararamdaman ngayon.
Stop seducing me!
"Bibigay na ako!"- nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang braso ko at inalog.
"Hey! What's happening to you? Bakit ka sumisigaw?"- wtf? nasigaw ko ba iyon?
"H-ha?"- natanga na naman ako dahil sobrang lapit ng mga mukha namin at maling galaw lang ay magdidikit na ang labi niya sa akin.
"Nevermind, maybe you're sleepy. Should I drive you home?"- at napayuko ako at kinagat ang aking dila sa ginawa ko.
"Akala ko..."- hindi ko na itinuloy ang sasabihin dahil medyo nahiya ako.
YOU ARE READING
Playboy's Toy
General FictionDANGEROUS BEAUTIES SERIES 2 • Aaron Cleo Alega • Warning ⚠: THIS IS A GAYxBOY STORY. SO ITS UP TO YOU IF YOU WILL CONTINUE TO READ IT.