The Playboy's Toy: Prologue

860 26 5
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, etc. are either the products of the author's imagination or as used in a fictitious manner. Any resemblance to everything is purely coincidental.

[ PLAYBOY'S TOY ]

Copyright © NO•BODY

...

PROLOGUE

Hindi ko na matandaan kung kailan nag-umpisa ito pero alam ko sa sarili ko na ayoko at mahihirapan na akong itigil pa ang naumpisahan na.

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba basta susundin ko ang aking nararamdaman, ang itinitibok nitong puso ko.

Walang problema sa kaniya kung isa akong lalaki rin. Lalaking may gusto sa katulad kong lalaki. Totoo, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, pero ang sasabihin niya at ang nasasakupan naming dalawa ang importante.

Iyon kinakatakutan ko'ng mangyare..

Sa sitwasyon namin, alam ko sa sarili ko na walang nagtatagal sa ganitong set up.

Oo set up.

Isang gumagamit, at isang nagpapagamit.

Isang manloloko at isang nagpapaloko.

Ilang beses na akong nagpaloko, naloko, at nasaktan at sa huli'y iniwan, pero sa kanya lang ako tumagal ng ganito. Kahit nasasaktan na ako ng lubusan ay nasa kaniyang tabi pa rin ako.

MASYADO AKONG MARUPOK!!!!!

Pero umaasa ako. Baka isang araw maging totoo din ang lahat. Maging totoo ang mga hinihiling ko'ng mangyare.

Malay mo. Malay natin.

Malay natin, magbago ang ihip ng hangin. Na sabihin niya na mahal rin niya ako.

Hihintayin kong sumapit ang araw na iyon.

At sinisigurado ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo kapag nangyare iyon.

Kahit alam ko na luging-lugi ako, susugal ako.

Titiisin ko ang lahat makuha ko lang ang ninanais ng puso ko.

A/N: this is the second installment of Dangerous Beauties Series.

Playboy's ToyWhere stories live. Discover now