Aaron Cleo Alega's POV
Pang-apat na tingin ko na sa aking cellphone at muling chineck kung tama ang adress na pinuntahan namin ni Kuya Conor.
Kakababa lang namin ng sinakyan na bus at sumakay pa ako ng tricycle at nandito na kami ngayon sa isang magandang private village, nasa harapan namin ang isang malaking tahanan.
At sa pang-limang beses ay tinignan ko'ng mabuti ang adress at nakita na tugma iyon sa nakapaskil na adress sa malaking bahay sa harap ko.
Dahil nangangalay na ay saglit kong ibinaba ang mga bagahe ko at pumindot sa door bell.
Isang minuto kaming nag-antay ay walang magbukas kaya naman pipindot na sanang muli ng bumukas ang malaking gate at nakita ko ang isang may edad ng ginang habang nakasuot ito ng uniporme tiyak ako na nagtatrabaho ito sa malaking bahay na'to.
Mabilis kong binuhat muli ang mga dala ko at nagtanong, ganun di ang ginawa ni Kuya Conor.
"Ah manang dito ho ba nakatira si Axil De Lano?"- magalang na tanong ko pero mukang hindi maganda ang pagkakatimpla ng mukha ng ginang.
"Ijo, pipti lamang ako at sigurado naman ako na hindi manang na manang ang itsura ko aber."- napahiya naman ako at nakitang nagpigil ng tawa si Kuya, ngumiti naman ako kahit na nararamdaman ko na ang ngalay sa katawan dahil tatlong bag ang dala ko at lahat iyon ay gamit ko, ang iba pa'y nasa kuya ko.
"Pasensya na ho."
"Ako si Tina at dito nga ang bahay ni LA ang alaga ko."- sagot naman nito habang naka-taas pa ang one line na kilay.
Sungit naman..
"LA po? Si Axil po ba iyon?"
"Oo at sino ba kayo?"
"Ako po Si Aaron Cle--"- bago ko pa masabi ang buong pangalan ko ay tumili pa ito at agarang kinuha ang mga bag ko.
"N-nako ijo hindi mo naman sinabe ang pangalan mo agad, pasensya na."
Hehe hindi niyo naman ho kasi ako tinanong.
"Ana! Halika dito at tulungan mo akong ipasok ang iba pa'ng gamit dito. Nandito na ang mga pinsan ng Sir. LA mo pakibilisan."- utos nito sa isang kasambahay at mabilis na kinuha ang gamit ko.
"H-hindi na ako na bahala dito sa isa."- pigil ko kay Ate Ana ng akmang kukunin niya rin ang bag na nakasukbit sa likod ko, kabaligtaran naman ang ginawa ng nakatatandang kapatid ko kaya't nagtawag pa ng isang kasambahay para lang ipabuhat lahat ng gamit niya, sinaway ko naman ito pero hindi nakinig.
Binuksan ng isang guard ang may kalakihang pinto ng tahanan at sumalubong sa amin ang magarbong kagamitan sa loob.
Manghang-mangja naman kami sa ganda ng tahanan ng aking pinsan.
Pinaupo kami sa sofa at sinabeng pababa na ang aking pinsan.
"Mga Ser gusto niyo po ba ng maiinom? Juice po?"- nahiya ako ng tanungin ako ni Ate Ana.
"Ah Cleo na lang po ate, kahit tubig po pwede na."- nginitian ako at tumango pagka-alis nama'y siyang patong ng paa sa small table ang magaling kong kapatid.
Pinandilatan ko ito ng mga mata at nag-peace sign bago tanggalin iyon.
Isinandal ko ang likod ko sa malambot na sofa at napapikit, kanina pa'ng umaga sumasakit ang likod ko dahil magdamag kaming nakatayo sa bus dahil punong-puno ang sakay.
Dinilat ko ang aking mata at iginala ang paningin sa paligid. Mahahalatang mahal ang gamit kung titignan mo pa lang ito. Naalala ko naman na kelangang ko na magpadala ng mensahe sa inay kapag nakarating na ako dito kaya mabilis akong nagtipa ng mensahe at agad na sinend.
"Eto na Cleo, Conor, nagdala na rin ako ng piece of cake dahil utos ni Tiyang Tina."- nagpasalamat naman ako kay Ate Ana at dahil uhaw na ay mabilis ko na naubos ang tubig. Mabuti na lamang ay may dalang pitsel na nakapatong sa maliit na lamesa at nagsalin muli.
Hindi na ako nahiyang kainin ang piraso ng chocolate cake at nilantakan na ito. Sa sobrang sarap ay hindi ko na napansin na nakatayo na sa harap ko ang inaantay ko.
"Cleo! I miss you!"- agad akong tumayo at mabilis na yumakap kay Axil.
"Na-miss din kita Kuya!"
"Axil na lang dalawang taon lang naman agwat natin eh."
"Ikaw Kuya Conor na-miss din kita, tagal din nating hindi nagkita ah!"- at ganon din ang ginawa ng kuya ko't niyakap si Axil.
"Kamusta na kayo? Maayos ba ang byahe? Nakapagpaalam na ba kayo kay Tito o Tita? Lalo ka na Cleo."- sunud-sunod nitong tanong at nagulat pa ng pahidin niya ng kanyang hinlalaki ang gilid ng labi ko at napansin na may tsokolate duon, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang daliri.
"Pasensya na.. Napasarap lang ng kain eh."- medyo napapahiya kong saad.
"Oh gutom ka na ba? Nagpahanda ako ng mga ulam para lang sa inyong dalawa, tara."- inaya na niya kami sa kusina at umupo kami sa malaking lamesa.
Nag-utos siya na ilabas na ang mga pagkain at nanlaki naman ang mata ko ng makita na ang daming inilapag sa lamesa at tingin pa lamang ay masarap na.
"Wow, pwede ko bang kainin lahat iyan? Gutom na gutom na talaga ako eh."- napasimangot naman ako sa sinabe ng magaling ko na kuya at napailing na lamang.
"Of course Kuya lahat ng nasa lamesa ay para sa inyo, kaya kumain na tayo."
"Axil may okasyon ba ngayon? Kaarawan mo ba?"- imbis na sumagot ay tinawanan lang ako pero hindi naman ako na-offend at ngumiti lang sa kaniya.
"Dahil nandito na kayo."- tipid na sagot niya na ikinakunot ng aking noo.
"Ayun lang?"- parang naninigurado ko pang tanong. Tumango siya at ginulo ng buhok ko.
"I know na matagal ka ng humihiling sa akin na dito sa manila mo gusto ipagpatuloy ang senior high mo, lalo na si mommy na pinipilit ako na papuntahin ka na dito, at kung hindi ko nga lang napigilan ay baka nanduon na sa inyo iyon at sinundo ka na. At buti isinama mo si Kuya Conor dahil alam niyo namang ako lang ang naiiwan dito sa bahay."- yumakap ako dito at nagpa-salamat at gusto ko sanang sabihin na pumilit sumama ang kuya ko lol.
"Salamat Axil, ang bait-bait mo talaga."
"Nako nambola ka pa, dahil pinsan kita, ikaw ang pinaka-paborito ko at mahal kita kaya gusto ko maranasan mo ang mga gusto mo, una pa lang ito Cleo, may mga susunod pa."- ngumiti na lang ako at nagsalo na kaming dalawa sa pagkain na parang fiesta sa dami nito.
"Hala paano naman ako?!"- singit ng Kuya at sabay-sabay kaming nagtawanan.
...
A/N: if you haven't read the first series, entitled "Nerd's B*tch" then it's perfectly fine, this whole series can be read in any order, that's all enjoy reading!
YOU ARE READING
Playboy's Toy
General FictionDANGEROUS BEAUTIES SERIES 2 • Aaron Cleo Alega • Warning ⚠: THIS IS A GAYxBOY STORY. SO ITS UP TO YOU IF YOU WILL CONTINUE TO READ IT.