Highblood.
kringgg... kringgg... kringgg...
Napabalikwas ako sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang ayaw tumigil na alarm clock."Hala, shit!!! anong oras na pala mayayari na naman ako kila kuya David at kuya Ivan kapag hindi ako nakasakay sa loob ng kotse in 20 minutes."
Agad agad ako nagtungo sa cr upang maligo ng mabilisan dahil panigurado galit na mga kuya ko. Lumipas ang mga segundo ay halos ligong aso na ginawa ko sa kakamadali at makakahinga na sana ng maluwag nang marinig ko ang katakot takot na sigaw ng kuya Ivan ko mula sa pinto ng aking kwarto na daig pa ang babaeng hindi na dinatnan dahil sa sobrang pag kasungit.
"Ano ba Brielle, sobrang kupad mong kumilos anong oras na oh iiwan kita eh. Sigaw ng kuya kong highblood agad kahit na umagang umaga palang.
Mas bilisan ko ang kilos ko at ng makalabas ako ng banyo ay nagbihis ako agad ng uniform pang pasok.
"Ano ba yang si kuya Ivan highblood agad umagang umaga." bulong ko kay kuya David na patapos ng kumain ng agahan.
"Sino ba namang hindi ma hi highblood, ang bagal mo kumilos paano puyat pa. Puro ka panood ng thai series na yan eh. Panenermon sakin ni kuya David na akala ko kakampi ko at handa akong ipagtanggol kay Kuya Ivan pero mukang kabaliktaran pala.
(Hindi naman kasi ako nanood ng bl series kagabi. Nagpatugtog lang at pumunta sa sikretong lugar ko na ako lang nakakaalam) Bulong ko sa isip ko.
Ngumuso nalang ako at tahimik na kumuhang toast bread at dalawang pirasong hotdog bilang aking pagkain sa almusal. Hindi naman kasi talaga ako mabubusog dito pero wala eh baka mas magalit pa lalo ang kuya Ivan ko.
"Oh kape, alam kong paborito mo ang black coffee kaya inumin mo na yan at bilisan mo bago ka pa malate". Pagaabot sa akin ni kuya Ivan ng basong itim na may laman ding kapeng itim.
"Bakit pa kasi ikaw ang maghahatid sa kanya bro? hello nandito naman ako baka di mo naitatanong mas malapit ako sa kanya kasi iisa lang kami ng school?" Payabang na sabi ni kuya David sa kanya.
Tumaas ang kaliwang kilay ni kuya Ivan at binatukan ang isa ko pang kuyang ubod na ingay. "Yun nga ang point ko eh, iisa lang kayo papasukan kaya hindi ako kampante lalo na ikaw na puro pambabae lang ang alam mo." bulyaw sa kanya ni kuya Ivan. Well, hindi naman kasi maitatanggi na gwapo ang mga kuya ko pero parehas mga tahimik at suplado kaya naman lalong kinababaliwan mapa babae o binabae.
YOU ARE READING
Euphonious Voice under the Moonlight
Fiksi RemajaA girl named Azalea Brielle whom always in the bridge and sing with her soft voice under the moonlight whenever she is sad and broke. A safe place that will ruined by the people whom she trusted the most. Where she should go? to find another safe pl...