2

2 0 0
                                    

one of the boys

Pagpasok palang ng gate ng school na pinapasukan namin na Riverhigh International School ay kitang kita ang iba pa naming estudyante na nakatingin sa kotse namin na di ko maintindihan kung dahil ba sa kulay ng kotse namin o sa lulan na kotse kung saan naroroon ang crush nilang lahat.

"Ano ba yan, umagang umaga dami ng mga chismosang nagaabang sa panget kong kuya. Ano kayang nagustuhan nila dito? mukang unggoy, suplado, at tahimik. Matalino at matangkad lang itong lalaking to eh. My gosh! are they blind?" bulong ko sa isip habang nakatingin sa kuya kong nagdadrive papunta sa parking lot baka mamaya kapag sinabi ko pa ng malakas ay makutusan pa ako sa panlalait ko sa kanya.

"Wow ha? Salamat sa maagang papuri mo Brielle. Ikaw na nga ang hinatid ikaw pa may ganang manglait." inis na sabi ni kuya David sa akin. Sira ka Brielle mukang napalakas yung bulong mo. Narinig tuloy nung isa.

"Ha? ay sorry na kuya, Sa isip ko lang naman sinabi yon eh kasi alam kong magagalit ka malay ko bang napalakas." sabay kamot ko sa ulo ko. Shemay, sana gumana kasi baka isumbong ako nito kay kuya Ivan.

Hindi na ako pinansin ni kuya at lumabas na ng kotse kaya lumabas na rin ako. Bahala na mamaya na ako babawi baka malate pa ako eh.

Nasa likod lang ako ni kuya Dabid na naglalakad at tila bang hindi makapaniwala ang mga ibang estudyante na malapit ako sa heartrob ng school na to. Lilihis na sana ako ng daan dahil sa kanan at building ng SHS stem building at sa kaliwa naman ang Engineering department pero dahil sa hindi ako swerte today ay nakita ko pa sa harap ko ang barkada ni kuya Dabid na nagtatawanan at mukang may kalokohan na naman sa kanilang mga utak. Hindi ko nalang sila pinansin at daretso daretso ko.

"Good morning Azalea!!!! Bakit busangot muka nyong magkapatid? umagang umaga oh. Tara na hatid ka na namin." bati sa akin ni kuya Dash na isa sa mga pinaka close ko sa barkada ni kuya.

"Huwag na, kaya ko naman kuya Dash. Medyo badtrip kasi tong isang to dahil narinig pala ang panlalait ko sa kanya eh sa isip ko lang naman sinabi yon eh." nagdadahilan talagang sabi ko at napatawa naman sa akin si kuya Dash. Alam nya kasing tinotopak si kuya David kapag nilalait ko sya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA bakit mo kasi sinabi yon alam mo namang automatic kapag nasa school nagiiba na ugali ng kuya mo tas hindi pa ata nakikita ang bebe lavs nya." bulong sa akin dahil baka kapag narinig na naman ni kuya Dabid ay mayari na naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Euphonious Voice under the Moonlight Where stories live. Discover now