4

36 4 1
                                    

We want two things: to love and to be loved.

Apat na buwan na rin ang nakakalipas simulang sinabi ko sa kanya na tulungan niya ako at ang masasabi ko lang para sa kanya ay ginagawa nga niya ang lahat para sa akin.

Kung tutuusin, ang mga tipo niya ang gusto ko dahil isa siyang sweet, cool, mabait at magaling na kumantang tao.

Hindi siya mahirap mahalin, nakikita at nararamdaman ko iyon.

At alam ko sa sarili ko na dahil sa kanya unting-unti ko na rin nararamdaman na nawawala na ang pagmamahal ko sa aking ex.

Nababanggit ko na nga ang pangalan ng hayop na yun e.

Paul.~ Paul ang kanyang pangalan, ang unang taong minahal ko ng sobra sobra pa sa aking sarili.

Nakakatawa nga dahil nabalitaan ko sa mga kaibigan ko na nakipag-hiwalay daw siya sa girlfriend niya.

Dahil ang chimis, di niya daw anak ang pinagbubuntis ng babae niya. Kiber ko ba sa kanila?!

Wala na akong paki-alam sa kanya dahil ayoko masayang ang effort na pinapadama sa akin ni Railey.

Yes, Railey ang pangalan ng taong tumulong sa akin para kalimutan si Paul.

Railey, is a really good guy. Tanga lang ang babaeng iiwan siya at sasaktan but I guess kailangan ko magpasalamat sa ex girlfriend niya dahil iniwan at niloko niya si Railey.

Nandito ako ngayon sa may garden at nagbabasa ng libro.

Sa totoo lang, di ko maintindihan itong librong binabasa ko lalo na nung may nakita akong isang tao na dapat ay iniiwasan ko hanggang di pa talaga ako handa makita siya.

Para akong nawala sa aking sarili nung nakita ko kung sino ang nasa tapat ng bahay namin.

Napatakip ako ng bibig saka agad-agad akong lumabas ng bahay.

Bakit ka pa nandito?

Masaya na ako, simulang iwan mo ko.

Wag mo kong guluhin dahil baka mabaliw na talaga ako.

Lumapit ako sa kanya pero medyo malayo pa rin sa kanya dahil ayokong mahawakan niya ako dahil baka isang haplos lang niya sa akin....masayang lahat ng ginawa ni Railey para sa akin.

Tumingin siya sa akin at ganoon din ako.

Walang nagsasalita sa aming dalawa!

Bakit...bakit hindi ka pa magsalita para naman maka-alis ka na dahil ang sakit sakit mo sa mata. Shet ka!

Tinignan ko ang kanyang kamay at nakikita ko na gusto niya akong hawakan.

Why? What do you want stupid asshole?

Tinabik ko ang kanyang kamay at kinabigla naman niya ito. "I'm so sorry. Please give me another chance"

Yan ang sinabi niya sa akin na kinagulat ko at mas lalong kinagulat ko yung niyakap niya ako bigla na naramdaman ko na may luhang tumulo sa akin balikat.

Ano ba talaga ang pakay mo?

Please, stay away!!!

Ayoko na, Ayoko na, Ayoko na talaga!!!

Pero tanga na kung tanga dahil niyakap ko siya pabalik saka hinamplos ang kanyang likuran para pakalmahin ko siya.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Gusto na kita kalimutan pero iba ang sinasabi ng puso ko?

Pakshet!

Paki-usap puso at isip ko, wag na kayo magtalo dahil ako'y naguguluhan na. Please lang!!!

Umiiyak na rin ako sa mga sinasabi niya sa akin na para bang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay gustong kong maniwala pero...

Sabi ko nga kay Railey, lahat gagawin ko para mapasaya niya ako.

Mabait siyang tao at alam ko hindi niya ako sasaktan kaya Ayoko rin siyang masaktan at itong yakap na ginawa sa akin ni Paul ay patunay na wala na talaga akong nararamdaman sa kanya.

Salamat sayo Paul! Salamat dahil ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman ko.

Ang tunay kong nararamdaman sa isang tao laging nandyan para sa akin.

Kumalas ako ng yakap sa kanya saka ngumiti, akala niya siguro napatawad ko na siya....pero tama siya napatawad ko na nga siya.

Sinabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin sa kanya noon at ngayon...tanggap naman niya ito ng buo saka nagpaalam na sa akin.

Patawarin mo sana ako kung huli na ang lahat para sa atin.

Siguro hindi nga tayo para sa isa't isa dahil ang mga pagsubok na binigay sa atin ay hindi natin nakayanan.

Sana mahanap mo rin yung para sayo at sana maging magkaibigan tayo ulit dahil isa ka sa mga importante tao sa buhay ko...

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay para pumasok sa eskswela.

Nakita ko si Railey kaya lumapit ako sa kanya, nagulat naman siya sa akin kaya kinuha ko ang aking notebook sa ka ito pinakita sa kanya yung ginuhit ko kagabi.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ito tulad ng dati na may kinang sa kanyang mga mata.

Ang ngiting pinakita niya sa akin ngayon ay parang may mali...

Tama ba ako Railey? May mali nga ba sa iyong ngiti?!

Habang nakatingin ako sa kanya at siya naman ay naka-ngiti sa akin, biglang may lumapit sa kanyang malanding babae saka pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Railey.

Gulong-gulo ako ngayon dahil akala ko ba nililigawan niya, pero bakit ano to?!

Niloloko mo ba ako uh?!

Pakshet! Kaya nga ayokong magmahal ulit dahil ang kasama ng mahal ay ang sakit na mararamdamam ng puso.

Mas lalo akong nagulat ng sinabi sa akin ay "Congrats pala...kayo na ulit. Sofia, this is my girlfriend Cindy."

Ano daw?! Pakshet ka!

Sinong kami na? Eh siya lang naman ang may lakas loob manligaw sa akin tapos---Arrrgh!

Ayoko na, ayoko na talaga! Ang sakit, sakit na talaga ng puso ko lalo na ang mga mata ko na walang tigil sa kakaiyak.

Siguro kailangan ko na talaga mag-give up sa lovelife, siguro kailangan ko na talaga move on...sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa akin at walang memoryang maaalala.

Tama, para ito sa akin.

I want change for my life.

Change that can give me happiness...

Yung mamahalin ako ng totoo, at walang pagdududa...

Yung may tiwala sa akin at handang manatili sa aking tabi....

Yung parang cabinet lang na laging kasama ang lumang damit dahil ang bagong damit kasi ay para mga epal lang yan, laging bumabalik saka aalis pag tapos na gamitin.

Hayyyy.

Good bye good and bad memories.....


Hello, new life.

SPLASHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon