5

47 3 1
                                    

Maraming pagsubok akong naranasan, para lang mahanap ang tunay na pag-ibig.

Nakakatawa nga dahil, trial and error ang peg ko para mahanap lang ang minimithi kong kasiyahan.

Nagmahal, Niloko, Sinaktan, Iniwan pero marami akong natutunan sa kanila tungkol sa buhay.

Hinding simpleng mabuhay sa mundong ito lalo na kung marami kang kalaban.

Pero nagpapasalamat ako dahil, nalagpasan ko ang mga ito kasama SIYA.

Siya ang taong hindi ako iniwan kahit na pinagtatabuyan ko na. . .

Siya yung taong ang dami ko ng masasakit na salitang nabitawan sa kanya . . .

Still yet, nandyan pa rin siya sa tabi at minamahal ako ng buong buo.

Marami ang nagbago sa akin, mula physical appereance hanggang sa ugali.

Bakit?

Dahil, gusto kong lumigaya pero kahit pala baguhin ko ang aking sarili meron pa ring isang tao ang lagi nandyan para sa akin upang hindi magbago ng tuluyan ang sariling ako.

Nakakatawa di ba? Pero anong magagawa ko, kahit anong sabihin at gawin ko sa aking sarili...wala talo ako.

Talong-talo sa pagmamahal niya sa akin.

Kaba.

Takot.

Saya.

Ang nararamdaman ko ngayon.

Naiiyak na naman ako, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.

Ang araw na ito kasi ang pinaka-hihintay kong araw sa tanang buhay ko.

Kasal ko kasi ngayon.

At age of 25, ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko.

Si Johnny.

Ang aking kababata, na nakita ko sa California.

Matagal na pala niya ako hinahanap dahil gusto niyang ipadama sa akin ang pag-ibig na tinatago niya sa akin mula noon pa.

Tinignan ko ang aking relo sabay nito ang pagbukas ng pintuan ng kotseng sinasakyan ko.

Lumabas ako saka nakita ko si Papa na umiiyak.

Hindi kasi tanggap ni Papa na ikakasal agad ako dahil bata pa raw kasi ako. XD

Ngumiti ako sa kanya saka pinunasan ang kanyang luha pero hindi ito tumitigil kaya medyo kinabahan ako.

Lumapit sa amin sina Mama na kasama ang mga kapatid at kaibigan ko

Lahat sila umiiyak na para bang awang-awa sa akin.

Ano ba ang nangyayari?

Hinawakan ni Paul at Railey ang aking kamay saka sabay silang bumulong sa akin.

Nabitawan ko ang bulaklak na hawak ko saka lumuhod sa sahig.

Bakit?

Bakit mo nagawa ito sa akin?

Ayoko na, ayoko na talaga masaktan ulit kaya't tumakbo ako palayo sa kanila.

Takbo.

Takbo

Takbo.

Tumatakbo lang ako hanggang sa makalayo ako sa mga taong nakakakilala sa akin.

Masakit na ang paa ko pero kiber ko ba? Maa masakit ang nararamdaman ko kaysa sa paa ko.

Parang namanhid tuloy ako dahil sa nakita, si Johnny....may kasamang babae sa kanyang sasakyan.

Arrgh!!!

Mga walang hiya.

Bakit nyo ba ako laging sinasaktan?

Huhuhuhu. Ayoko na talaga!

Napaluhod nalang ako saka hinubad ang aking wedding shoes. Tsk! "Wedding"

Tinignan ko sila hanggang maka-alis sila sa aking paningin.

Ang unfair talaga! Hahahaha

Tumingin ako sa kalangitan at para bang sumasang-ayon sa akin ang panahon dahil bigla nalang umulan ng malakas.

Kung alam ko lang ganito ang mangyayari, sana di nalang ako ulit umibig.

Ang tanga ko kasi.

Sobrang tanga. X(

Tumayo ako saka naglakad ng biglang may humawak ng aking braso.

Tinignan ko siya saka tinabig ang kanyang kamay at naglakad ulit.

Pero dahil ang lahi niya ay makulig, hinawakan niya ako ulit, ngumiti sa akin saka pinakita ang aking sapatos.

Kukunin ko sana iyon pero bigla siyang lumuhod saka sinuot ang sapatos sa akin.

Basang basa na kami ng ulan, kalat ang make-up sa akin, sira ang payong niya pero....

Lumuhod ako sa kanya para mapantayan ko siya saka niyakap siya ng mahigpit at humagulgol ng iyak.

Di ko siya kilala pero ramdam kong ligtas ako sa kanya.

Niyakap niya ako pabalik at hinayaan niya akong ganon sa kanya.

"I am consistently good at failing."

" everyone annoys me lmao "

"I just wanna be myself and I want someone to love me for who I am."

" Don't overthink it, just let it go."

"Wala kang alam."

"E di aalamin ko...lahat."

"Bakit?"

"Because, I like you."

"Stop, don't say it"

"I don't really have a 'type' If I like you, I like you, Simple as that."

Tumigil bigla ang ulan pero ramdam ko parin ang lakas ng hangin.

Tumingin ako sa kanya, pinagmasdan siya ng mabuti.

"Uh?"

"Ang buhay kasi parang talsik lang ng tubig yan, kahit gaano karaming pa ng talsik ang meron ka...matutuyo pa rin ng araw o ng hangin." Ngumiti siya saka hinawakan ang ang aking kamay. " You can't change the past, so focus on making a great future."

Tama siya, tamang-tama siya kasi Lahat ng tao naglalaho, lahat ng feelings nawawala, lahat ng alaala nabubura, lahat ng bagay hindi permanente, sadyang pahiram lang ang lahat...kaya dapat pokus sa kasalukuyan hindi sa nakaraan.


Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay kilala ko pala siya...kilalang-kilala.


---FIN---

SPLASHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon