Part 1
Isang magiting na tambay sa isang kilalang page sa FB si "Mae". (Hindi niya tunay na pangalan) Madalas siyang tumambay doon para maghanap ng mga bagong kaibigan at kausap. Maraming nag-aadd sa kanya mula sa nasabing page kaya naimbak lahat ng FR's at si Mae ay dakilang tamad kung mag accept..
PART 2
Isang araw may isang lalaki pangalanan nating "Frankie". Inaddsiya nito. Dedma lang si Mae at di pa rin ina-accept yung FR. Pagkatapos ng ilang araw, nag post si Mae sa page at nagsabing "newbie lang po sana walang snob". Ayun ang kalimitan na sinasabi palagi ni Mae kapag magpo-post sya sa page. Hanggang sa napa-comment si Frankie at tinawag siya nitong "ikaw nga dyan yung snob eh"...
PART 3
Ayaw na ayaw ni Mae na tinatawg syang ganun kasi ayun kadalasan ang first impression sa kanya, siguro gawa na rin na nakasanayan nyang hindi agad agad mag accept ng FR's. Para mapatunayan ni Mae na hindi sya tulad ng iniisip ni Frankie, agad agad niyang inaccept yung FR at nagpasalamat pa. Nagulat pa nga si Mae at nabura yung pinost niya. At napaisip na "siguro galit o ayaw saken ng taong toh"..
PART 4
Gustong kausapin ni Mae si Frankie para sa ganun makipag kaibigan at para malaman ni Frankie na hindi talaga totoo yung inaakala ni Frankie sa kanya. "Tingin sa chatbox kung OL ba si Frankie" Kaso nahihiya naman si Mae na kusang mag-PM. Kaya explore na lang si Mae sa info ni Frankie. Nalaman niya na nasa US din pala ito at kababayan niya pa sa Pinas. Napangiti si Mae..
PART 5
June 8, 2011 Graduation day ni Mae. Graduating from HS. Nag post ng status si Mae na nakagraduate na nga siya blabla. Kinagabihan ni-like ni Frankie yung status niya at nag Congrats pa ito. Nagulat si Mae syempre. At nang gabi na yun doon nagsimula ang pag uusap nilang dalawa. Nalaman ni Mae na nasa same state pala si Frankie dun sa tita ni Mae at magkalapit lang talaga. Sa isip ni Mae "Wow! Small world talaga." Nag-usap sila at nagka-kilala.
Author: want more? pls vote. ^_^