PART 16
Walang nasabi si Mae kundi ang pagtulo lang ng luha nito at pag iyak na hindi maamo. Sobrang nasaktan si Mae, hindi nya aakalain na iiwan na lang sya ng ganun sa ere ni Frankie ganun ang taas ng tiwala nito na magdadamayan sila.
Gustong makipag usap ni Frankie sa telepono kay Mae, sinagot nito ang tawag pero habang nagpapaliwanag si Frankie ay walang imik ito at lalong bumuhos ang mga luha at walang humpay sa pag iyak.
PART 17
Kahit masakit, kahit hindi niya inakalang ganun ang mangyayari tinanggap na lang ni Mae at hinayaan yung decision ni Frankie kasi alam niyang tama talaga yun. Buti may mga kaibigan si Mae na nakaintindi ng sitwasyon niya. Kinabukasan normal days sa FB. Bisita sa profile ni Frankie kahit na masasaktan lang siya sa mga makkita niya. Dumating yung gabi nalaman ni Mae na hindi pala kaya ni Frankie na makipaghiwalay sa kanya.
PART 18
Naghihingi ng sorry at bumabalik si Frankie. Hindi kumikibo si Mae gawa ng sobra syang nasaktan at gusto niyang mapa-realize kay Frankie kung gaano kasakit yung ginawa niya. Dahil mahal ni Mae si Frankie tinanggap niya muli ito.
Pero ang bawat relasyon na isang beses ng nabasag ay magkakaroon na ng lamat at hindi na mababalik sa dati. May times na hindi sila okay, may times na masaya sila. Ganun naman di ba ang isang relasyon.