PART 6
Sobrang saya ni Mae ng gabi na yun kasi hindi niya aakalain graduate na siya after the hardworks she encountered. Dahil si Mae ay palabiro, napapatawa niya si Frankie na may problema pala sa GF niya ng mga time na yun. Parang akala mo ang tagal na nilang magkakilala, di nag-atubiling mag share si Frankie ng problema niya. At si Mae ang nging "clown" ni Frankie simula ng gabi na yun.
PART 7
Kahit na alam ni Mae na problemado si Frankie sige pa din yung pagjo-joke niya pero syempre gusto niya lang pagaanin yung feelings nito. Magdamag silang walang humpay na naguusap. Kung hindi aawatin, hindi talaga titigil. Hangga't sa si Frankie pala ay nahuhulog na kay Mae. Deadma lang si Mae kasi loyal si Mae sa BF niya at tingin niya lang talaga kay Frankie ay kaibigan, siya nga dba yung "clown" nito.
PART 8
June 13, 2011 Saturday. Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni Mae si Frankie through tinychat, so nag-webcam sila. Maingay at makwento pala si Frankie, ang isip ni Mae. Nasa TC sila noon kasama ang ibang members ng page. Hanggang sa nagkkabiruan na. Kesyo si Frankie ay may gusto na kay Mae. Dedma si Mae, iniisip niya yung BF niya kahit na nagkakalabuan na sila nito. Pero biglang bumanat si Mae nung pinagkakantsawan silang dalawa ni Frankie.
PART 9
Kinuha ni Frankie yung number ni Mae pero hindi pedeng mag-make ng call si Frankie kaya si Mae na lang ang tumawag dito.
Nag usap sila magdamagan sa phone, siguro hanggang mga 9 ng umaga kila Mae. Buti na lang walang tao kina Frankie nun so walang magagalit. Nalaman na din ni Mae na bukod sa may GF na si Frankie ay magkakaanak na pala ito sa GF niya. Hindi naman itinago ni Frankie yun sa kanya.
PART 10
And that was something na ikinahanga ni Mae kay Frankie at yun ang pagiging totoo nito. At sa kabilang dako, si Mae ay nakipag break na sa BF niya gawa nang wala ng pinupuntahan yung relasyon nila. Hindi si Frankie yung dahilan kung bakit sila naghiwalay ng BF niya. Ganun pa man, patuloy pa rin ang pagsuyo ni Frankie kay Mae kahit na meron na itong GF, hindi daw nya kasi maitago na may gusto at mahal na niya si Mae.
![](https://img.wattpad.com/cover/3873217-288-k647941.jpg)