PART 13
Hindi naglaon nalaman na din ng iba ang sikreto nila. Hindi alam ni Mae kung ano na lang ba ang iisipin ng iba sa "maling" relasyon nila. Sino kaya ang makakaintindi sa kanila. Pero ganun pa man meron silang mga kaibigan na nakaintindi sa relasyon nilang dalawa. Sa isang relasyon, hindi maiiwasan yung away at diskasyon. Madalas moody si Mae. Nagseselos, natatakot, naguguluhan, nagtatanong, pero hindi niya ma explain ng maayus kay Frankie kung ano ba talaga.
PART 14
Hindi ginusto ni Mae na mapamahal sa lalaking committed na sa iba, it just happened. Iniisip pa din niya yung future ni Frankie at yung magiging pamilya nito. Dumating yung araw na manganganak na yung GF ni Frankie. Kabado si Frankie pero si Mae nakasuporta lang sa kanya, yun lang naman ang kaya niyang ibigay. Sa mga panahon na yun sobrang nasasaktan si Mae.
PART 15
Mga ilang araw din parang wala sa sarili si Frankie pero masaya si Mae para sa kanya. Malungkot si Mae kasi parang hindi na tulad ng dati si Frankie, parang may nag iba na simula ng lumalabas yung baby. Isang gabi nag message si Frankie sa kanya at dun sinabi nya na "I'm just choosing the right thing and what's best for my family."