Chapter 1

3 1 0
                                    


Nanginginig ang kamay ni Eris habang hinihintay ang test result niya. Panay ang kuskos nito at hipan sa palad. Hindi siya mapakali ngunit hindi rin maitago ang excitement na nararamdaman ng babae.

"Please, be positive," paulit-ulit na dasal nito. Pakiramdam niya ay buntis siya dahil lahat ng palatandaan ng isang buntis ay nasa kaniya. Lihim ang pagpunta ni Eris sa oby-gyne, hindi niya ipinaalam sa asawa ang pakay niyang gawin ngayong araw.

Kung positibo ang resulta, uuwing may surpresa si Eris sa asawa. Paniguradong matutuwa ito sa dala niyang balita lalo na at matagal na nilang nais mabiyayaan ng supling. Hindi na sila magtatalo mag-asawa tuwing negatibo ang resulta. Kung sakaling walang laman ang sinapupunan niya, sa sarili lang niya ang disappointment.

Humugot ng malalim na hininga ang babae nang makalabas ang doktora sa isang silid sa loob ng opisina nito.

"What's the result, doc? Is it positive or negative?" Pilit ang pagpapakalma ni Eris sa sarili. Her anxiety is eating her up. Umupo muna sa swivel chair ang doktora bago sumagot, "Mrs. Sallion, you're three weeks pregnant. It's positive." Iginawad sa kaniya ng doktora ang isang ngiti na nagpapatunay ng katotohanan.

Nanubig ang mata ni Eris. Hindi ito makapaniwala. Earlier, she only imagined that the test would be positive, and now, it is positive.

'My baby. Our baby,' sa isip nito.

"But I will be honest with you. The baby is weak, Mrs. Sallion. It would be best if you were extra careful. No stress, please. Don't run, don't jump, if you walk, slowly and always be careful not to fall, even in sitting, don't drop your weight on the chair, sit carefully. Don't do anything that can harm the baby, alright?" Napawi ang ngiti sa labi ni Eris dahil sa sinabi ng doktora. Kusang napahawak ang kamay niya sa sinapupunan.

"Is there anything that I can do to keep my baby safe, doc?" nag-aalalang tanong ng babae. She won't let anything happen to her baby. It is the only chance for Eris to carry a baby.

"Yes, there is." Tumigil ang doktora at may isinulat sa isang papel. "This will help to strengthen the hold of your baby," dagdag nito at inabot sa kaniya ang papel. Tumango-tango siya bago ipinasok sa hand bag ang papel.



"Thank you, doc. I am delighted that I am pregnant. You know how my husband and I want to have our child. This is a blessing." Muli na naman naging emos'yonal si Eris.

"It's a miracle, Mrs. Sallion. Always pray for him, and he will do the rest. Take care of your baby." Matagal na silang kilala ng doktora kaya alam na alam nito ang pinagdaanan niya bago mabuntis.

"It is." Hindi na nagtagal pa si Eris at nagpaalam na rin sa doktora. Babalik na lang siya ulit para sa monthly check-up.

"Anong resulta?" Bumungad kay Eris ang tanong na iyon galing sa matalik na kaibigan na si Abi in short of Abiona. Sumilay ang ngiti sa labi ni Eris at sinabi ang result.

"Positive!"

Tuwang-tuwa ang kaibigan sa narinig mula sa kaniya. Hindi na raw ito makapaghintay na maging ninang ng anak niya. Sisiguraduhin daw nito na ito ang pinakamandang ninang sa araw ng binyag. Ngisi lang ang naisagot ni Eris sa kaibigan at pasimpleng pinakakiramdaman ang baby sa loob niya.

Muli niyang inalala ang sinabi ng doktora. Hangga't maaari, ayaw niyang sabihin sa lahat na mahina ang kapit ng anak niya. Ayaw niyang mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kaniya lalo na ang asawa.

Masayang lumabas si Eris at Abi sa klinika. Hindi na rin siya makapahintay na sabihin ito sa asawa at sa pamilya niya. Paniguradong magwawala na naman ang step-sister niya lalo na at may gusto ito sa asawa niya. Mabuti na lamang ay mas'yadong mahal si Eris ng asawa kaya panatag ang loob niya na hindi ito magloloko.

Graveyard of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon