Chapter 1: Na Saan Ako?

5 0 0
                                    

Quine's POV

Sobrang lalim na ng gabi pero halos hindi na 'ko makahinga sa sobrang layo nang natakbo ko. Nagtago muna ako sa ilalim ng sasakyan. Pinilit kong isiksik ang sarili ko kahit ga'no pa kahirap.

Natatakot ako sa kaniya. Based on his looks, he looked like a 40-year old man and I'm only 26. Takot pa naman ako sa mga gurang na kasi na-trauma na ako. Some old guy try to harass me when I was a kid and since then, hindi ko na nakalimutan pa 'yon.

But this guy... I would admit. He's pretty hot despite how old he looks! Wait a minute, what if hindi naman talaga siya old?

Imbis na mabawasan ang kaba ko dahil nakahanap ako ng matataguan, mas natakot dahil sa inilabas niyang malakas na tawa.

Seriously?

Tumawa siya nang sobrang lakas pero tono ng demonyo.

"Nagsasayang ka lang ng pagod mo, Quine."

Tinakpan ko ang bibig ko dahil gustung-gusto ko na talagang sumigaw sa takot. Inilabas ko na lang sa iyak ang takot na 'to.

"Alam ko kung nasa'n ka at kung anong ginagawa mo ngayon. Sa tingin mo ligtas ka dahil nakatago ka riyan?"

Narinig ko na naman ang napakalakas na pagkalampog niya sa kotse na siya namang nagbigay sa'kin ng labis na takot. Umiiyak na lang ako.

"Hay, nakakatuwa ka pa lang paglaruan."

Tuluyan niya nang tinanggal ang kotse na humaharang sa buong katawan ko kaya napasandal ako sa pader. Sh*t! Napapikit ako. Paano kung patayin niya na 'ko this time? Hindi pa keri ng powers ko mamatay agad!

Mother Heaven, help me!

Hinila niya ako gamit ang isang braso ko papalapit sa kanya. Halos magkadikit na lang 'yong mukha namin ngayon. Myghad ano 'to, romantic scene?

"Tatanungin kita ng isang tanong at dito nakasalalay ang buhay mo. Siguraduhin mong sasagot ka ng tama."

Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang binibigyan niya 'ko ng sign na kayang-kaya niya 'ko patayin sa anumang oras na gustuhin niya. Hays ano ba 'tong pinasok ko?

Nanginginig akong tumango sa sinabi niya. Pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Aray! Ang sakit na ah! Sumagot naman ak--- aray aray sorry na sorry!"

Kasi nang sumagot ako pabalang, nilagay niya na sa likod ko 'yong kamay ko at nakatalikod na ko sa kanya ngayon, malapit nang mabali. Ipinwesto niya ang bibig niya sa tenga ko at saka nagsalita.

"Bakit balik ka nang balik sa Hundayo? Ano ba talagang hinahanap mo rito?"

Bawat pagsambit niya ng mga salita, siya namang paghigpit sa pagkakahawak sa'kin. Imbis na maramdaman ko 'yong sakit sa higpit ay mas naramdaman ko ang sakit sa bawat pagbuka niya ng bibig.

Napalunok muna ako bago sumagot.

"S-sa totoo lang, hindi ko rin alam."

Iniba niya ang pwesto ko at isinandal sa pader, with super lakas na impact pa. Nakasandal na rin ngayon 'yong braso ko. So corner na corner niya na talaga ako ngayon.

"Sabi ko 'di ba sa pagsagot mo nakasalalay ang buhay mo? Nakuha mo pa talagang magsinungaling sa'kin?! Gusto mo bang tuluyang magpakilala ko sa'yo!?"

Pumorma siya palayo sa'kin at parang bumebwelo para atakihin ako. Ginawa niyang dalawa ang kanina'y isang batuta na hawak niya at inekis ito sa ere. Saka naging neon blue ang mga mata niya na para bang binubuhos niya lahat ng lakas niya.

The Forgotten PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon