Chapter 2

239 16 2
                                    

Chapter 2: Meet Again

Kai's POV

Bored na bored akong nakatingin sa black board at iniisip pa rin kung papano ko mahahanap ang taong yun. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas at nga nga pa rin ako.

Paano ko ba kasi siya mahahanap? Eh wala akong kahit anong information tungkol sa kaniya! Alangan naman na tanungin ko isa isa ang mga tao dito at idescribe kung anong itsura niya? Eh ilan ba ang tao sa mundo?! Tatanda yata ako sa paghahanap sa kaniya.

" Oh pre musta ang paghahanap mo sa mystery guy mo? " tanong sa akin ni Chanyeol at kumuha ng upuan at pumwesto sa harapan ko. 

Tss. Hinarangan pa yung black board.

" Syempre nga nga pa rin! Ang laki kasi ng naitulong niyo sobra! "  may halong sarcasm ang sinabi ko. Kaso sadyang ulol lang tong kausap ko.

" Thank you! Sus. Syempre kaibigan kita! " at hinampas pa ako. Inirapan ko na lang siya. 

Kasabay nun ang pagdating ni Sehun na kasama sina Baekhyun at Tao.

" Diba nga kathi thabi ko thayo, tadhana nga diba?! Hintayin mo na lang kathi! " sabi ni Sehun magsasalita na sana ako nang bigla naman nagsalita tong si Tao

" Ano naman ang magagawa ng paghihintay niya?! Kahit na sabihin mo na ang tadhana na ang magpapasiya, nasa diyos pa rin ang awa at nasa tao ang gawa. Kaya huwag niyong hayaan na tumunganga lang yan diyan. Baka mawala pa ang grasiya. " napanganga na lang ako sa sinabi ni Tao.

Hugot na hugot eh.

" Ah.. Eh.. Ano ba yan! Mamaya na nga yang paghahanap na yan! Kamusta ka na nga pala Kai? Pati yang eyebags mo? HAHAHAHAHA-- TAENA MO JONGIN!!! ANG SAKIT AH!!! " pagrereklamo sa akin ni Baekhyun habang hinimas ang ulo niyang binato ko ng Notebook. 

" Manahimik na nga kayong lahat! " inis kong sagot at napatingin na lang ako sa may bintana. 

Kiss Me [KaiSoo Short-Fic] | O N H O L D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon