Chapter 1

338 15 0
                                    

Chapter 1: Who Is he?

Third Person's POV 

" Dapat kathi thinunggaban mo na! Yun na ang grathya! (grasya) tinanggihan mo pa -.- " inis na reklamo ni Sehun kay Kai na siya pa ang nanghihinayang sa nangyari at ginawa ni Kai.

Kinuwento kasi ni Kai kung anong nangyari sa kaniya nung isang gabi. Nung hinalikan siya ng isang anonymous na lalaki. Nagsisisi nga si Kai sa nangyari at hinayaan lang niya na makatakbo palayo sa kaniya ang lalaking iyon. Speechless kasi at shocked kaya hindi niya nahabol.

" Eh sa nagulat nga ako at sinisink-in ko pa sa utak ko ang nangyari eh! Sensya naman! " totoo naman kasi ang sinabi ni JongIn. Kung sa bagay kinakausap mo lang yung tao tapos bigla kang hahalikan o diba? Parang nanalo ka lang sa isang award. Speechless!

" Oh eh bakit parang bigla ka yatang sumimangot diyan? Inggit ka sa eyeliner ko no? Well bumili ka ng sayo dahil hinding hindi ko to ipapahawak sayo no! " sabi naman ni Baekhyun na parang endorser ng eyeliner ipakita ba daw ng malapitan sa mukha ni Kai! Kulang na lang ikiss na ni Kai yung eyeliner eh!

Nilayo naman ni Kai ang eyeliner sa mukha niya gamit ang kutsara baka daw kasi kapag hinawakan niya ay baka mabulag siya ng wala sa oras dahil sa pagmurder sa kaniya ni Baekhyun.

" Ano ba naman yan! Wala akong pakialam diyan sa eyeliner mo! Kasi naman eh! Hindi ko man lang naitanong kung sino o ano man lang ang pangalan niya. Basta na lang niya akong tinakbuhan musta naman yun! " nakasimangot at naka-pout pang sabi ni Kai. Nanghihinayang talaga kasi siya. Perst Kiss niya kasi yun pre! At sa taong hindi niya pa kilala napunta? Asan ang hustisya?!

" Hahaha! Kung sa bagay first kiss mo nga pala yun no? Uuuuy nagbibinata na si Totoy! Hahahaha! " tila nangaasar na sabi ni ChanYeol na ikinatawa ng lahat syempre except kay Kai.

Lalong napanguso si Kai sa sinabi ni Chanyeol. Kahit kasi may pagkamalandi at maharot tong si Kai ay hindi pa siya nakakahalik ng kahit sino sa tanang buhay niya. Oo sa cheeks but not in the lips. Why? Gusto niya kasi ang first kiss niya ay para sa taong mahal niya eh anyare? Napunta lang sa hindi niya kilala.

" Tumigil nga kayong lahat diyan! Tulungan niyo na lang ako nahanapin yung taong yon! " ma-otoridad at bossy na bossy na sabi ni Kai at tumayo pa kaya napatingin sa kaniya ang mga kasama niya which is sina Sehun, Chanyeol at Baekhyun. Si Tao po ay tulog pampawala daw po ng eyebags.

" Oh? Eh bakit damay kami diyan ikaw na lang ang maghanap! Tinatamad kami tsaka ikaw lang naman ang nakakakilala ng itsura nun kaya ikaw na lang. " tamad na sabi ni Baekhyun. 

" Oo nga Kai tsaka ang tadhana naman ang makakapagthabi niyan kung magkikita talaga kayo, Edi kayo na! Oh diba kaya wait wait lang dyan Kai okay? " seryosong sabi ni Sehun. 

Napakunot naman ng noo si Kai sa sinabi ni Sehun. Hugot na hugot daw eh! 

Napabuntong-hininga na lang si Kai at inayos ang mga gamit niya. Walang kwenta talaga ang mga kaibigan niya.

" Oh saan ka pupunta? " tanong ni Chanyeol habang ngumunguya pa ng chips.

" Hahanapin siya. " maikling sagot ni Kai gusto niya pa nga sabihin na, ' Oo ako na lang mga walang kwenta kayo! Pag kayo nahingi ng tulong tinutulungan ko kayo pero pag ako ayaw nyo? ' kaso wala na siyang oras.

Ayaw niya pa daw kasi mamatay sa kakaisip sa lalaking iyon at ayaw niyang talbugan ang eyebags ni Tao dahil sa hindi siya makatulog sa gabi sa kakaisip. Kaya eto ipupush na niya.

" GOODLUCK SAYO!!! " yeah . Goodluck my face -_- mga kaibigan ko ba talaga kayo? Huhuhu

End of Chapter

-x

Tin's Note: 

Ang ikli ba? Sensya na tsaka short fanfic lang naman to eh hihihi peace ulit!! 

Tara tulungan natin si Kai!

Any feedbacks?

TINLUVYESUNG

Kiss Me [KaiSoo Short-Fic] | O N H O L D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon